Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AllTV CDrama Dahil Sa ‘Yo Regent Foods Corp AMBS

Bagong C-drama sa AllTV tiyak kagigiliwan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY bago na namang kagigiliwan na serye ang ating mga TV viewer.

This time, isang C-drama o Chinovela na magpapa-iyak, magpapangiti, at magpapa-ganda ng inyong mga gabi ang mapapanood sa AllTV simula sa Lunes, Agosto 14, 8:00-9:00 p.m..

Kung kinagigiliwan natin ang mga Koreanovela, ang bagong handog na Chinese serye o C-drama naman ang nag-iimbita sa inyo sa pamamagitan ng Dahil Sa ‘Yo.

Sa husay ng mga voice talent natin na nag-Tagalize ng serye, walang dudang susubaybayan din ninyo ang kuwento ng isang Chinese family na sinuong ang mga isyu sa yaman, pagmamahal at katapatan versus pagtataksil, at kasinungalingan.

All Chinese actors ang kasama sa series subalit Pinoy na Pinoy ang kuwento, mga eksena at sitwasyon. 

Kaya naman proud na proud ang mga taga-Regent Foods Corp. dahil sila ang nagdala sa bansa ng naturang Chinese serye o Chinovela.

Sa pagpirma nila ng kontrata sa AllTV, naging pormal ang pagsasanib-puwersa ng AMBS Network (AllTV) at kompanyang noon pa natin pinagkakatiwalaan pagdating sa mga snack foods.

Mapapanood ito sa AllTV channel 2 sa free TV, channel 35 sa Skycable at Cignal, at kung ang gamit naman ninyo ay ABS-CBN TV plus, Affordabox, at Sulitbox, nasa channel 31.4 DDT ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …