Sunday , December 22 2024
Paolo Contis Eat Bulaga

Tito Sen sinagot parunggit ni Paolo na hindi sila Fake Bulaga

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang Twitter account, nag-reak si Tito Sotto sa ginawang pagdiriwang ng TAPE Inc. ng ika-44 anniversary ng dati nilang show na Eat  Bulaga.

Aniya, walang karapatan ang Tape Inc.na ipagdiwang ang 44 years ng show dahil nagsimula lang itong maging producer ng EB noong 1981, gayung ang show ay nagsimulang umere noong 1979.

Tape inc has absolutely no right to celebrate 44 years. They existed only in 1981. They did not exist in 1979. EB ceased to be EB when TVJ left them,” tweet ni Tito Sen.

Sinagot din ng former senate president ang naging pahayag ni Paolo Contis during the anniversary ng EB na nasasaktan sila kapag tinatawag silang Fake Bulaga.

Sabi ni Paolo, “Marami ang nagsasabi na kami ay Fake Bulaga. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff, walang peke sa pagmamahal ko sa crew, walang peke sa pagmamahal ko sa trabahong ‘to.

“Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag n’yo kaming fake Bulaga.

“Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag n’yo kaming fake Bulaga dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao, wala po.”

At ang sagot ni Tito Sen kay Paolo, “then why not think of a new name?”

Well, mag-reak naman kaya si Paolo sa naging reaksiyon at sagot sa kanya ni Tito Sen?

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …