MA at PA
ni Rommel Placente
MAITUTURING ni Lovi Poe na dream come true na makatrabaho si Carlo Aquino via Seasons, na kasalukuyang napapanood sa Netflix. Noon pa kasi ay pangarap niya nang makatrabaho ang aktor.
Isa kasi si Carlo sa mga hinahangaan niya dahil sa husay sa pag-arte.
Noong nakaka-eksena na ni Lovi si Carlo, ay na-intimidate siya.
Kuwento niya, “It’s my first time to work with Carlo. To be honest, I used to watch ‘G-Mik.’ I’m so intimidated doing scenes with Carlo, I couldn’t memorize my lines.
“Like, there’s a scene, na nandoon kami sa isang department store. Ang dami-dami kong sinasabi because Charlie is so talkative, ayun ‘yung character niya.
“So, I’m so intimidated na ‘yung isang tao na gusto kong makatrabaho, number one na napakahusay, and then pinapanood ko growing up, kaeksena ko na siya ngayon.
“And I was, like, ahhh, the stress and anxiety.”
Dumating naman sa punto na unti-unti ay naging komportable na si Lovi na katrabaho at kaekseana si Carlo.
“I think that’s what’s nice about someone who’s been there in the industry talaga, they know how to make you comfortable, and plus he’s so very friendly. Parang madadala ka sa scene with him.
“He’s effortless kasi, so what’s nice about him is that, you know, no matter how stressed I was, nag-jive kami because nadala rin niya ako.
“‘Coz that is what we need, we need that kind of feeling together especially as partners.
“And not just any like a kinda partner, we’re best friends here.
“You know, you have to show that closeness and, yeah, I’m happy that he made me feel comfortable,” aniya pa.