Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno Jalosjos Eat Bulaga

TAPE Inc ngayon lang nagpapirma ng kontrata sa mga empleado

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PINABULAANAN ni Atty. Maggie Abraham-Garduque na kaya nila pinapirma ng kontrata sina Yorme Isko Moreno at Paolo Contis ay para mag-react sa balitang hanggang end of July na lang ang Eat Bulaga ng TAPE Inc..

One year renewable contract ang sinelyuhan ng dalawang matatawag na frontliners ng EB na dala-dala ang bagong slogan ng show na, “tulong at saya o joy and hope.”

At dahil naimbitahan kami bilang Marites University host (plus sa mga panulat namin gaya nitong sa HATAW), ikinalugod naming makapanayam ang magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos at legal counsel nilang si Atty Maggie.

Not true at all. Maybe they are referring to the ending of the 44th year and the beginning of 45th and beyond dahil we are here to stay,” sagot ni Bullet sa isyu.

Susog naman ni Atty. Maggie, “this (contract signing) was scheduled days ago but due to some pressing issues that needed to be attended first, today (July 8) lang natuloy.”

Inuna lang muna ng TAPE Inc sina Yorme Isko at Paolo at susunod na ang iba pang talents at empleado.

Historic ding matatawag ang contract signing dahil first time ngang nagbigay ng kontrata ang TAPE Inc. sa mga trabahador nito on and off cameras.

This is their security of tenure. Ano pa ba ang pinakamaganda at maayos na pagsasamahan professionally kundi ang masigurong may kontrata,” hirit pa ni Atty Maggie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …