Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janice Jurado Romm Burlat Julio Diaz Sabrina M Tess Tolentino Carl Vincent Cruz

Manang pagbabalik-pelikula nina Julio, Sabrina, at Janice

ANG direktor at aktor na si Romm Burlat ang sumulat at nagdirehe ng Manang 

mula sa TTP Productions ni Ms. Teresita Pambuan, na isa rin sa cast ng pelikula.

Ang iba pa sa bumubuo ng pelikula ay sina  Janice Jurado,Julio Diaz, Sabrina M, Carl Tolentino,Sherali Serman at iba pa.

Sa tanong namin kay Direk Romm kung sino ang bida at Manang sa pelikula, ang sagot niya, “Actually, pare-pareho silang bida. It doesn’t  mean na ang manang ay mas matanda. Somebody that peole look up to. It can be older. It can be younger. Sila ‘yung mga ina-idolize. Sila ‘yung may mga characteristics na you have to give respect.

“Ang concept is from me. Pero it’s Red Asuncion who wrote the script.”

Sa tanong naman kung paano nabuo ang cast, sabi ni Direk Romm, “Siguro, gusto ko lang ibalik sila dahil they are talents that should not be wasted. Lalo na si July (Julio Diaz). He’s my favorite now, kasi magaling siya. I believe, dapat silang bigyan ng second chance. Actually, comeback movie nilang tatlo ito, eh.”

Tungkol naman sa kanilang pelikula, ang sabi ni Direk. “It’s not an ordinary teacher movie. It’s a movie about a teacher, a mother and a friend. How do you interconnect the three characters na teacher ka, pwede kang maging mother or a friend. O ikaw mismo ‘yung kontrabida sa buhay mo.”

Ang Manang ay isasali ni direk Romm sa international film festivals. Naniniwala kami na posibleng magkaroon ng award ang pelikula o ang ilan sa cast nito. Mahusay naman kasing direktor si Romm kaya siguradong gaya ng mga  naunang pelikula niya na isinali sa iba’t ibang international festivals na nag-uwi ng karangalan, ay ganoon din ang mangyayari sa Manang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …