Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina Dave Almarinez

Ara wala ng oras sa asawa

MA at PA
ni Rommel Placente

DREAM come true para kay Ara Mina na magkaroon ng sariling show via Magandang ARAw, na ang pilot episode ay sa July 15, Saturday, 3:00-4:00 p.m..

Kaya naman hindi niya napigilang mapaiyak sa media launch nito, na ginanap noong Friday.

Sabi ko sana someday magkaroon ako ng ganyang show at eto na nga, after 30 years natupad na ang pangarap ko” sabi ni Ara.

Sobrang nagpapasalamat si Ara sa NET 25 management, sa presidente ng estasyon na si Caesar Vallejos at Wilma V. Galvante, na content consultant, dahil tinupad ng mga ito ang childhood dream niya.

Nagpapasalamat din ang aktres sa mga kaibigan niya sa press na patuloy na sumusuporta sa kanya mula noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz at hanggang ngayon.

Huwag na huwag ninyong kalimutan ang mga taong unang nakatulong sa inyo noong nagsisimula pa lang kayo sa career ninyo no matter what,” sabi ni Ara.

Patuloy  niya, “Natutuwa ako kasi nandito kayo, sabi ko hindi lang media launch kasi nami-miss ko ‘yung dati na naging part kayo ng career ko for 30 years, sa buhay ko. Kaya hindi puwedeng wala kayo rito.”

Sobrang hands-on si Ara sa kanyang show. Kaya naman hindi lang siya basta host dito. 

To be honest may mga kasama ako pero minsan TC (talent coordinator), minsan location manager, writer, may episode na ako ang direktor,  at minsan cameraman.

“Kasi sinasabi ko kung anong anggulo ang kukunan. Talagang umiiyak na ako minsan.

“Hindi pala madaling gumawa ng show na sabi talk show lang ito, pero hindi ganoon kadali. Sobrang madetalye pati editing nakikialam ako.

“Sorry ha naging emosyonal ako, kasi finally na-launch na ito. Kasi sobrang effort ako sa show na ito, ang dami kong natutunan.

“Wala na po akong time sa asawa ko, kasi madaling araw kung umuwi ako tapos pagdating ko (bahay) busy pa ako sa cellphone ko kung ano ang ipi-preview kong episode.

“Tapos magbo-voice over ako sa telepono, tapos ipapasa pa ako, maghahanap pa ako ng location, magpapa-revise pa si Tonipet (Exectuvie Producer), tapos magpapa-revise pa si tita Wilma.

“Buti na lang supportive ang asawa at anak ko, si Mandy, kaya sobrang pasalamat ako talaga sa kanila,” anang aktres.

Sa pilot episode ng Magandang ARAw ay si Piolo Pascual ang guest hanggang sa second episode.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …