Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Ballesteros Vice Ganda

Paolo Ballesteros kinabog si Vice Ganda

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ISA sa mga pinaka-inaabangan ay ang reaksiyon ni meme Vice Ganda tungkol sa tinatawag nilang pag-dog show sa kanya ni Paolo Ballesteros.

Talagang magaling mag-ayos si Paolo na inakala nga naming nasa show ng TVJ si Vice Ganda hahaha!

Nakuwestiyon tuloy ang pagiging ‘unkabogable’ ni meme dahil sa pangangabog ni Paolo sa mga unang bahagi ng show ng TVJ. Sobrang nakaaaliw. Mga lumang skits ang ginawa ng TVJ at Dabarkads pero bentang-benta pa rin sa audience, kasama na rito ang mga nag-hit nilang Juan for All winners na nag-viral sa socmed.

Grandfinals naman ng Tawag ng Tanghalan duets ang  itinapat na portion ng It’s Showtime na siyempre pa ay pasadong lahat sa mga hurado at tila napakiusapan ang maestro huradong si Louie Ocampo na huwag munang mang-gong kahit pa mayroong mga nag-flat at sharp etc. sa ilang contestants hahaha!

At maganda ring makita ang gaya ni Mark Bautista na nakaupong hurado noh.

Hay…kung hindi masisira ang remote at mga TV namin, tiyak na mataas ang kuryente namin dahil sa mga ito hahahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …