Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricky Davao Gina Alajar Benedict Mique

Ricky na-excite sa pagsasama nila ni Gina sa Monday First Screening

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Lunes, June 12, ginanap sa EVM Convention Center ang star-studded na red carpet gala premiere ng kauna-unahang NET25 Films feature film production na Monday First Screening, na bida at magkatambal sina Ricky Davao at Gina Alajar.

Present sa gala premier sina Film Development Council of the Philippines Chair Tirso Cruz III, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at mga nagniningning na celebrities para masaksihan ang romantic-comedy ng mga senior citizen.

Pero bago ang gala premier ay nagkaroon muna ng media conference.

Tuwang-tuwang ibinahagi ng cast ang kanilang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay ng NET25, lalo na’t parte sila ng kauna-unahang pelikula na inilabas ng network.

Ibinahagi ni Gina ang maganda niyang karanasan sa pagtatrabaho sa NET25 Films.

“Of course, NET25, thank you so much. Mga tao, mga staff, napakabait! Napaka-welcoming,” sabi niya.

Sabi naman ni Ricky, na wala naman kasi sa edad ang pagmamahal at ibinahagi ang kanyang excitement na makatrabaho si Gina. 

“Halos pareho naman kami ni Gina. Noong nabasa namin iyong material, wow! Sa age namin, gagawa kami ng love story. So roon pa lang, kakilig-kilig na. Tapos, knowing that I will be working with Gina Alajar, who is a dear friend. I’m a fan of Gina. Walang bolahan ito, but when I heard na kaming dalawa, talagang ninerbiyos ako at sobrang na-excite because ang sarap naman makatrabaho ng mga artistang katulad ni Ms. Gina Alajar.”

Bukod kina Gina at Ricky, kasama rin sa pelikula ang mga award-winning actors na sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, at David Shouder, kasama ang tambalan nina Allen Abrenica at Binibining Pilipinas 2023 2nd Runner Up na si Reign Parani. Mula ito sa direksiyon ni Benedict Mique.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …