Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allan K Ryan Agoncillo

Allan, Ryan pinasinungalingan akusasyon ng magkapatid na Jalosjos 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam ng PEP.phnoong June 3, 2023, sa magkapatid na Jalosjos na sina Jon, presidente at CEO ng TAPE Inc. at Bullet, chief finance officer at spokesperson ng kompanya, idinetalye ng mga ito ang umano’y kawalan ng respeto sa kanila ng dating Eat Bulaga hosts, at ilang production people na mataas ang posisyon sa show.

Anang magkapatid, hindi sila pinapayagang makapasok sa dressing  room ng mga ito. 

Pinabulaanan naman nina Allan K at Ryan Agoncillo, dating hosts ng Eat Bulaga, ang pahayag ng magkapatid, sa interview sa kanila ni Marfori.

Tanong ni MJ, “Allan, ano ba yung totoo roon?”

Sagot ni Allan, “Paano bang hindi pinapapasok?

“Hindi ko maintindihan. Eh, they are free naman to pasok, labas-pasok, sa dressing room namin.

“Maybe that instance na naka-lock. Siguro ‘yun ‘yung nagpe-pray kami or… I don’t know. I have no idea kung kailan nangyari ‘yun na hindi pinapapasok.”

Hiningan din ni MJ ng pahayag si Ryan kung may maidaragdag ito sa sinabi ni Allan.

Ang sabi naman ni Ryan, “Ang totoo po kasi niyan, MJ, ‘pag dumarating ako sa ‘Eat Bulaga!’ ang una ko talagang hinahanap, ito [Allan K].

“Totoo ito, nag-aalmusal kami ni Allan. Sabay kami hangga’t maaari.

Sabi naman ni Allan, “Pag may naunang nag-almusal, nag-aaway pa kami.”

Natatawang sambit ni Ryan, “May ganoon…”

Pero sa seryosong pahayag ni Ryan, “Hindi ako maka-comment sa hindi pinapapasok dahil as far as I’m concerned, as far as the Dabarkads are concerned, ano kami, eh, communal nga ‘yung dressing room namin, actually.

“So, I don’t… I have no idea about who’s getting locked out or not.

“But as far as I know, lagusan ang aming make-up room.”

Samantala, inanunsiyo ng MediaQuest, may-ari ng TV5, na lumipat na ang Tito, Vic, and Joey sa Kapatid Network. Kaya rito na mapapapanood ang Eat Bulaga, simula  July.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …