Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeremiah Piwee Polintan Froilan Calixto

Piwee at Froilan ng Jeremiah walang kupas ang galing kumanta

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGING bisita namin sa aming birthday celebration noong May 30 ang dalawang member ng sikat na sikat na boy band  noong 90s, ang Jeremiah, na sina Piwee Polintan at Froilan Calixto.

Siyempre pa, kinanta nila ang signature song nilang Nanghihinayang, na talagang sikat na sikat noong i-release ito. At hanggang ngayon ay naririnig at pinatutugtog pa rin sa mga FM station at paboritong kantahin sa mga videoke. Kaya kahit mga millenial ay alam  ding kantahin ang Nanghihinayang.

Sumabay kami ng aming mga bisita sa pagkanta ng Nanghihnayang. Alam namin siyempre ang nasabing awitin, na ang ganda ng lyrics at melody.

After  kantahin nIna Piwee at Froi ang Nanghihinayang, ay nag-more kami. Nagustuhan kasi  namin ang pagkanta nila. Walang pagbabago sa kanilang boses, walang kupas pa rin sila sa pagkanta pagkatapos ng maraming taon.  

Ang sumunod na kinanta nila ay ang isa pang hit single nila, ang  Basta’t Ikaw, na sinabayan din namin ng pagkanta. 

To Froilan and Piwee, maraming salamat sa pagpunta sa aming kaarawan at sa pagpapaunlak ng dalawang awitin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …