MA at PA
ni Rommel Placente
IGINIIT ni Alden Richards sa panayam sa kanya ng News 5 na nananatili ang kanyang loyalty sa mga haligi ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na kilala rin sa tawag na TVJ.
Kaya naman nang magpaalam na ang tatlo sa Tape Inc., na producer ng Eat Bulaga, ay nag-resign na rin siya sa noontime show.
Aminado naman kasi si Alden na malaki ang utang na loob niya sa mga ito dahil isa ang Eat Bulaga sa naging dahilan kung bakit siya sumikat at ang dating loveteam nila ni Maine Mendoza, na kilala sa tawag na AlDub.
Mensahe ni Alden para kina Tito, Vic and Joey, “To TVJ, know that kahit ano pa man ang mangyari, my loyalty, ‘yung sarili ko is for them… regardless.
“I’m always looking back dun sa mga taong nakatulong sa akin nang malaki.
“I think I have the right to defend that. And that’s my stand because malaki po ang utang na loob ko sa kanila, and my support for them will go until the end of times.
“Malaki po ang pasasalamat natin sa Eat Bulaga.”
Wala si Alden nang nagpaalam sina Tito, Vic, at Joey, sa pamamagitan ng Facebook Live at YouTube, sa loyal viewers ng Eat Bulaga! noong March 31, 2023.