Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lizzie Aguinaldo 2

Regine, Zack Tabudlo, at Lani wish maka-collab ng apo ni Aguinaldo

MA at PA
ni Rommel Placente

MASAYA ang talented young singer na si Lizzie Aguinaldo dahil natupad na ang matagal niyang pangarap noong bata pa, ang maging singer.

Kamakailan ay pumirma siya ng recording contract sa Star Music. Ang unang single niya ay ‘yung Baka Pwede Na. Mula ito sa komposisyon ng award-winning composer na si Joven Tan.

It’s been my dream to be a singer. Eight years old pa lang po ako, gusto ko na talagang mag-perform. I’m super happy and thankful to have the opportunity,” sabi ni Lizzie sa launching ng debut single niyang Baka Pwede Na.

Patuloy niya, “A dream come true. Dati po kumakanta lang ako sa comfort room namin. Ngayon, nakapag-record na talaga ako ng song sa totoong studio.

“Noong una ko pong nakita ‘yung lyrics (ng ‘Baka Pwede Na’), na-in love po agad ako sa song. I said, ‘Wow! Ang bilis naman magsulat ng song ni Direk Joven Tan. I’m into pop music, tipong Dua Lipa po, but gusto ko pong i-try itong ballad na mayroong touch ng pagka-cute.

“In the process of recording it, nandoon na po ‘yung feeling kilig at excitement habang kinakanta ko po ‘yung song,” aniya pa.

“It’s the song that I hope people would jam with whenever mayroon po silang mood na kinikilig or moment po na naaalala po ‘yung crush nila especially po sa generation ko. It is simple but it sets the whole vibe po.”

Nang tanungin siya, given a chance, sinong singer ang gusto niyang maka-collab, ang sagot  niya,”Si Lannie Misalucha po, si Miss Regine Velasquez. I love Zack Tabudlo and his songs. I hope to get to work with them soon.

“Sana maka-collab ko soon ang mga iniidolo ko. I’ll work very hard po. I’ll do my best. Hindi ako takot sa rejections.”

Si Lizzie ay apo ng dating pangulong  si Emilio Aguinaldo.

Baka Pwede Na ay available  na on streaming platforms. May music video ang nasabing awitin.

Bukod sa pagiging singer, pangarap din ni Lizzie na maging isang Architech.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …