MA at PA
ni Rommel Placente
MAY natapos gawing pelikula si Quinn Carrillo titled Litrato, na pinagbibidahan nila nina Ai Ai delas Alas at Ara Mina. Mula ito sa 3:16 Media Productions at sa direksiyon ni Louie Ignacio.
“Kaya Litrato ang title ng movie kasi ‘yung role rito ni Miss Ai, may alzheimer siya. Nangongolekta siya ng mga litrato, nagbabaka-sakali siya na baka magbalik ‘yung memory niya roon sa nawawala niyang anak,” sabi ni Quinn kung bakit Litrato ang title ng kanilang pelikula.
Kamustang katrabaho si Ai Ai?
“Naku masayang katrabaho ni Miss Ai Ai at very professional. At saka sobrang hilig niyang mag-adlib. Mahilig talaga siyang magbigay ng mga linya na wala sa script. Kaya talagang dapat lagi kang ready. Kailangang makipagsabayan ka. Alam mo kung paano ka papasok.
“Very happy naman ako dahil kahit paano nagawa ko ‘yung role ko na kaeksena siya.
“Ang dami niya ring ibinibigay na tip. Kasi minsan, feeling ko hindi ako happy sa ginawa ko.
“Sinasabi niya, ‘Naku ganyan lang yan, huwag kang mag-alala, sa susunod masasanay ka rin, magagawa mo ‘yan kahit on and off cam. Hindi ka mahihirapan.’ Sobrang helpful niya talaga,” papuri pa ni Quinn kay Ai Ai.
Hindi ba siya nahirapan na nakatrabaho sina Ai Ai at Ara since mga beterana na ang mga ito pagdating sa pag-arte?
“Noong nakatrabaho ko sila, wala naman, kasi sobra silang matulungin pagdating sa trabaho. At saka ang gusto nila, maiaangat ‘yung mga eksena na walang maiiwan.
“Nahihirapan ako sa sarili ko, hindi ‘yung sa katrabaho ko sila. Kasi sila, sobra nilang gaan katrabaho,” paliwanag niQuinn.
Anong paborito niyang eksena with Ai Ai?
“Halos lahat, eh. Kasi ang dami kong eksena na siya ang kasama, tapos lagi kaming nagkukulitan at nag-aasaran.
“And every minute of it, na-enjoy ko naman talaga ‘yung mga eksena ko with Miss Ai Ai.”
Ano naman ang memorable scenes niya with Ai Ai?
“Siguro ‘yung isa, ‘yung nag-iinuman kami. Kasi mayroong part doon na sobrang funny, ‘yung sumasayaw kami. Talagang tawa ako ng tawa. Tapos cut na pala, ginagawa pa namin ‘yung eksena. Tawa rin ng tawa ‘yung mga crew sa amin,” natatawang kuwento pa ni Quinn.