Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Sarah Geronimo

John Lloyd at Sarah pelikulang pagsasamahan ikinakasa na

MA at PA
ni Rommel Placente

MULING magtatambal sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Bago matapos ang taong 2023, ay gigiling na ang kamera para sa kanilang reunion movie.

Sa opisina ng Viva Films sa Pasig City, naganap ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa muli nilang paggawa ng pelikula.

Sa Instagram account ni Sarah ipinost niya ang litrato nila ni Lloydie na magkasama sa board room ng Viva Films.

Ang reunion movie nina Lloydie at Sarah ang ikalimang proyektong pagsasamahan nila.

Una silang nagtambal sa A Very Special Love noong 2008. Ang box-office gross nito ay P185,235,324.

Sinundan ito ng You Changed My Life In A Moment noong 2009. Kumita ito ng P232,209,42 sa box office.

Pangatlo ang It Takes a Man and a Woman noong 2013. Nagkamal ito ng P387-M sa takilya.

At after six years ay nagsama ulit sila sa pelikula via Finally Found Someone, na ipinalabas sa mga sinehan noong July 26, 2017. Umabot sa P316.5-M ang kinita nito sa takilya.

Lahat ng pelikulang pinagsamahan nina LLoydie at Sarah ay naging blockbuster sa takilya. Siguradong itong reunion movie nila, ay posibleng maging box-office hit din, lalo na’t sabik pa rin ang kanilang mga tagahanga  na makita sia na magkasama sa  isang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …