Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jayda Avanzado Teen Clash

Jayda proud sa unang project na Teen Clash

MA at PA
ni Rommel Placente

NGAYONG araw, May 26, ang huling episode ng Teen Clash, na pinagbibidahan nina Jayda Avanzado at Aljon Mendoza. Ang serye ay napapanood sa iWantTFC app (iOS and Android) and website (iwanttfc.com, 8:00 p.m..

Nang kunin ang reaksiyon nina Jayda at Aljon sa pagtatapos ng kanilang serye, ang sabi ni Jayda, “Honestly, I can really relate how everyone’s feelings. A very surreal feelings na ngayon pa lang talaga  nagsi-sink in na talagang pat­apos  na ‘yung ‘Teen Clash.’

“Ang masasabi ko ‘yung take away ko rito sa project na ito is always memories and learnings that I will forever be grateful.

“I just feel so proud that my first acting project is something na gusto ko talaga ‘yung project, gusto ko talaga ‘yung character and sobrang nagpapasamat din ako sa buong cast and production .”­

Sabi naman ni Aljon, “Ako, ayoko siyang matapos pa. Kasi parang ang bilis niyong nangyari eh. Parang ang tagal na mabilis at the same time.

“Na-enjoy ko ‘yung buong process. Na-challenge ako sa buong process.

“Gusto ko lang magpasalamat siyempre, sa lahat ng tumulong sa amin, sa akin. Maraming salamat sa paggabay sa akin, sa workshops pa lang.

“Maraming salamat kay Direk Gino (Santos), sa paggabay sa amin, work shops  pa lang kasi, tinututukan niya na kami. 

“Itinuturo niya sa amin kung paano ba dapat gumalaw. Kung ano dapat ‘yung babantayan namin para prepared kami, ready kami. So, babaunin ko ‘yun, maraming salamat. 

“And ayun, speechless ako. I mean, hindi ko alam ‘yung sasabihin ko ngayon. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumuporta. Malaking bagay sa akin itong project na ito, kasi, first lead ko ito na series.”

Sa tanong kay Jayda kung ano ang pinakamami-miss niya sa character niya bilang si Zoe, ang sabi niya, “Mami-miss ko ‘yung pagiging palaban niya. Ang gusto ko rito sa show na ito, they gave also the freedom, not just for my character, but for everyone of us, to express ourselves, and give our own interpretation with our characters.

“And ako mami-miss ko talaga ‘yung mga hirit niya na kung gaano siya ka-outspoken. I think that’s something that, gusto kong itawid din sa sarili kong buhay. Na mai-instill ko rin sa sarili ko, na huwag kang matakot to speak your mind, and to be your own person. 

“And that’s something that I learned from Zoe. Na sana rin lahat ng viewers, maka-relate sila, ma-carry nila ‘yun sa sariling mga buhay nila,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …