Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Miss Universe

Xian ginalingan pagho-host sa MU Ph, Kim proud GF 

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang pumuri kay Xian Lim, isa na kami roon, sa hosting job niya sa Miss Universe Philippines 2023, na ginanap kamakailan sa SM MOA Arena, na si Michelle Dee ang nakakuha ng titulo.

Kasama ni Xian na nag-host sina Alden Richards at Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi.

Pinuri ng netizens si Xian, kung paano niya na-handle ang ilang technical issues sa nasabing beauty pageant.

Nakikita namang maingat si Xian sa pagbabasa ng winners. Sinisilip muna niya ang resulta bago niya ito i-announce. Gusto niyang tiyaking tama ang binabasa niya.

Proud siyempre ang nobya niyang si Kim Chiu na nag-post sa social media.

Nasa IG story na nanonood si Kim sa TV at nag-comment siya ng, “Galing mo naman Xi.”

Nag-tweet pa si Kim ng kuha ni Xian sa Miss Universe at nasa caption nito, “Ang guwapo naman ng Xian Lim!!!”

O, ‘di ba, proud girlfriend si Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …