Sunday , December 22 2024
Chad Kinis Lassy Marquez MC Muah

Lassy, Chad, MC walang inggitan

MAY natapos gawing pelikula ang member ng Beks Battalion na sina Lassy Marquez, Chad Kinis, at MC Muah. Ito ay ang Beks Days Of Our Lives, under Viva Films, na ang direktor ay si Chad. Ito ang magsisilbing launching movie nilang tatlo.

Pero bago pa ito, ay nagkaroon na ng launching movie si Lassy, Ang Sarap Mong Patayin.

Sa isang panayam sa kanila, ay natanong ang tatlo kung dumating ba sa puntong nag-away sila dahil  sa isang lalaki?  Na ang sagot nila ay never.

Magkakaiba raw kasi sila ng tipo ng mga lalaki. Kaya never silang nagkaisyu sa lalaki. 

Sa tatlo ay si Lassy lang ang may dyowa sa kanila ngayon, na nakabase sa ibang bansa.

Happy si Lassy na bukod sa pagiging comedian ay isa na ring direktor si Chad. Na ayon pa sa kanya ay wala namang inggitan na namamagitan sa kanila.

“Kagaya ni Chad, direktor na ngayon, so mas nakatutulong po siya sa grupo namin. Kaya wala pong inggitan sa amin. Kung sino ang mayroon o palarin na magkaroon ng project na ganito, malaking help po sa amin ‘yun.”

Masaya kami para kay Lassy dahil maganda ang takbo ng kanyang career ngayon. 

May dalawang regular show siya sa ABS-CBN, ang It’s Showtime at I Can See Your Voice. At lagi rin siyang may ginagawang pelikula. At busy din siya sa vlog nila na Beks Battalion.

Ang Beks Days Of Our Lives ay showing na sa May 17.  

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …