Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Jolina Magdangal Gladys Reyes Angelu de Leon Claudine Barretto

Gladys handang i-produce pelikulang pagsasamahan nila nina Juday, Angelu, at Claudine

SA guesting ni Gladys Reyes sa radio program ni Gorgy Rula sa DZRH, sinabi niya na ang dream project niya ay ang makatrabaho at mapagsama-sama ang mga inapi niya sa teleseryeng ginawa niya na sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, at Angelu de Leon.

Sabi ni Gladys, “Nag-umpisa ‘yan noong premiere ng ‘Apag,’ may nagtanong sa akin kung ano ‘yung dream project ko. Sabi ko, gusto talaga sana mapagsama-sama ‘yung lahat na inapi ko.

“Puwera lang si Jolina (Magdangal) kasi hindi ko pa naman siya naapi sa mga teleserye, pero siyempre 90s won’t be complete without Jolina rin. Siyempre, Jolina, Angelu, Claudine and Judy Ann,” aniya pa.

Sa akin, dream project ‘yun. Although, nabanggit ko ‘yun kay Jolina noong nag-guest ako sa ‘Magandang Buhay.’ Nabanggit ko na rin kay Juday, and I think sa isang Viber message ko sa kanya or even before.

“Noong nagkasama kami ng huli ni Claudine, yes, parang nabanggit ko rin sa kanya ‘yan, sa isang guesting namin sa isang series. Siyempre, kailangan buuin muna ‘yung material, ‘di ba? Kailangan kongkreto ‘yung istorya bago talaga matuloy.

“Very positive naman sila, even Jolina noong last time nag-guest ako sa ‘Magandang Buhay’, niloko ko pa siya na, ‘Uy, ha? ‘Pag may tumawag na sa ‘yo, tanggapin mo,’” chika pa ni Gladys.

Mukhang positive naman ‘yung ano nila…’yung magiging challenge roon if ever, I think ‘yung schedule. Alam naman natin, iba-iba, at saka associated ‘yung iba sa kanila in a particular channel.

“Tingnan natin kung possible project. Pero who knows? Uso naman ngayon ang collab, ‘di ba? Nag-collab na nga ‘yung GMA and ABS, ‘di ba?” sey pa ni Gladys.

If ever, willing si Gladys na i-produce ang pelikulang pagsasamahan nilang lima.

I’m willing to co-produce it if ever. Siyempre, malaking tulong kung mayroon akong katuwang na magpu-produce niyon.

“I have something in mind na baka puwede para sa aming lima ‘yung material na ‘yun. Parang something na pagka-‘Desperate Housewives’ nga, ‘di ba, since pareho naman kaming mga nanay na, ‘di ba?

“Kanya-kanyang kuwento ng pagiging isang ina. Puwede namang ang isa, wala namang asawa. Iyung isa, single mom, mga ganoon, ‘di ba?” (Rommel Placente)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …