Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tito Sotto Alden Richards Maine Mendoza

Tito, Maine, Alden matitirang host ng EB, Direk Louie, talent manager pasok din

MA at PA
ni Rommel Placente

PINAG-USAPAN sa online show namin na Marisol Academy Tsika Tonite, hosted by yours truly, Mildred Bacud, at Roldan Castro ang ilang posibleng pagbabago umano sa programang Eat Bulaga ng GMA 7.

Ang matitira na lang umano sa nasabing programa sa grupo ng TVJ (ng magkapatid na Tito at Vic SottoJoey de Leon) ay si Tito. 

Pero papayag ba naman si Tito na mawawala ang kanyang nakababatang kapatid na si Vic at kaibigang si Joey sa EB?

Dagdag pa rito, tila araw-araw umano ay may pagbabago sa plano sa nasabing programa.

Sa Abril 15 ay magkakaroon ng presscon at sasabihin ang mga pagbabago sa EB.

Bukod sa mga pagbabago, nabanggit din sa Marisol Academy na naaangasan umano ang pamilyang Jalosjos (producer ng EB) sa isa sa mga host ng nasabing programa.

Kaya tsutsugiin na rin umano iyon.

Ang magiging poste umano ng EB ay sina Alden Richards at si Maine Mendoza na siya lang ding maiiwan na babaeng host sa nasabing programa.

Lumabas din ang pangalan ni Louie Ignacio bilang bagong director, at isang talent manager na magiging Executive Producer (EP).

Kaya kukunin umano ito dahil may kaalaman ito sa pagpaptakbo ng isang variety show. 

Wala pa umanong nagaganap na pirmahan ng kontrata kaya hindi rin sila makapagsalita tungkol sa sitsit na ito.

Well, abangan na lang natin kung ano nga ang mga pagbabago na magaganap sa longest-running show sa telebisyon.

Ang Marisol Academy Tsika Tonite ay napapanood tuwing Miyerkoles, 4:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …