Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Xian Lim

Xian iprinisinta ang sarili para makapagdirehe

MA at PA
ni Rommel Placente

MAPAPANOOD na sa Lunes, March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad ang Hearts On Ice, ang figure skating drama series na pinagbibidahan nina Xian Lim at Ashley Ortega. Ito ang unang serye ni Xian sa Kapuso Network.

Sa Hearts On Ice, gaganap si Xian bilang si Enzo, isang cold-hearted at may pagka-arogante.

Bago sumalang sa nasabing serye ay nag-training muna ng figure skating ang gwapong aktor at may coach pa nga siya sa serye.

Kaya sabi ko, ‘Sige, mag-training tayo.’ So, we’re really preparing for the time that I get to a certain level na. I did post in Instagram our journey in ice skating. May mga level po kasi ‘yan. There’s five basic levels,” sabi ni Xian.

Patuloy niya, “So finally, noong nakuha ko na ang certificate, puwede na kaming magsama ni Ashley sa ice.

“Because mahirap naman po na isasabak na kami agad at masagasaan namin ang isa’t isa,” katuwiran pa ni Xian.

Hindi lang ang paggawa ng serye ang gustong gawin ni Xian sa GMA 7. Gusto niya ring makapagdire. Kaya naman naglakas-loob siya na nagprisinta sa Kapuso Network na makapagdirehe ng drama series.

Ipiniprisinta ko talaga ‘yung sarili ko kasi wala naman hong gagawa niyon kundi ako.

“I think… ‘yun pong isa sa mga natutunan ko na, wala namang ibang magbubuhat ng bangko kundi ang sarili mo.

“I really do tell them that I say my intention, na gusto ninyo po want to try me as a director, then I would gladly, with all my heart do it,” napapangiting sabi pa ni Xian.

Bukod sa Hearts on Ice, ipinarating na rin ng GMA management kay Xian na puwede na niyang ipagpatuloy ang Love. Die. Repeat, na pagtatambalan naman nila ni Jennylyn Mercado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …