Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lizquen Kathniel Hello Love Goodbye Alden Richards

Liza ipinangalandakan Hello, Love Goodbye sa kanila unang inialok ni Enrique

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Liza Soberano sa vlog ni Bea Alonzo, sinabi niya na sa kanilang dalawa ni Enrique Gil unang inialok ang pelikulang Hello, Love Goodbye noong 2019 mula sa Star Cinema, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Hindi lang daw nila ito magagawa pa noon dahil may serye silang Bagani at nagsimula na siyang mag-shooting ng pelikulang Darna, na kalaunan ay na-shelved.

In-offer na lang daw ang nasabing pelikula kay Kathryn, na ang kapareha ay si Enrique.

Sinabi ni Liza na hintayin na lang sila ni Enrique na matapos ang kanilang mga commitment. Baka raw kasi maapektuhan ang loveteam nila kung ipapareha sa iba ang boyfriend.

Hanggang nalaman na lang ni Liza na ang pelikula ay napunta pa rin kay Kathryn at si Alden na ang kinuha ng Star Cinema bilang kaparehara. 

Well, kanino nga ba talaga unang inialok ang Hello, Love, Goodbye?

Sa interview kasi noon kay Daniel Padilla sa Tonight With Boy Abunda, sinabi niya na sa kanila ni Kathryn unang inialok ang HLG.

So, sino kina Liza at Daniel ang nagsasabi ng totoo?

Pero ang Star Cinema lang ang tunay na nakaaalam kung kanino nila talaga unang in-offer ang HLG, ‘di ba? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …