MA at PA
ni Rommel Placente
NOONG Miyerkoles ng gabi, ipinakilala sa entertainment press ng Jan B Entertainment NYC. LLC ang kanilang mga talent na pawang mga singer, na tinawag na digital artists. Ito ay sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong, at Chelle.
In fairness, lahat sila ay may magagandang tinig. Humanga kami sa kanila nang pakantahin muna sila bago ang presscon proper. Kaya naniniwala kami na may mararating sila sa music industry.
Ayon kay Chelle, ang paborito niyang singer sa local ay si Regine Velasquez while ang namayapang singer naman na si Whitney Houston ang paborito niyang international singer. Sumasali noon si Chelle sa mga singing contest at nananalo naman siya. ‘Yun nga lang ay puro trophies ang naiuuwi niya at walang cash.
Si Almyn na isang police woman ay mula sa pamilya ng musicians. Gaya ni Chelle, si Regine rin ang paboritong local singer ni Almyn. Ayon sa kanya, hindi naman niya talaga intensyon na pasukin ang showbiz o music industry.
“Since nandito na ako, I just want to showcasae my talent,” sabi ni Almyn.
Si Boyong ay isang rakista. Sa tanong sa kanya kung ano ang natanggap niyang best comment at worst comment, ang sagot niya, “Ang best comment is,’you rock’. Worst comment, so far, wala pa naman.”
Tungkol naman kay Ashley, marami siyang idols na singer. Pero hindi siya nagbanggit ng pangalan. Aniya, ayaw niyang sundan ang yapak ng mga ito. Gusto niyang magkaroon siya ng sariling identity.
Sina Sarah Geronimo at Morisette Amon naman ang paboritong singes ni Tif.