MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview sa King of Talk na si Boy Abunda ng Pep.ph., sinabi niya na muli siyang mapapanood sa telebisyon.
Sabi ni Kuya Boy, “I wanna go back to television. Ako’y paalis dahil I will host Ten Outstanding Filipinos in America ngayong taon. And I’ve been doing that for like eight, nine years. So pagbalik ko, I’m hoping to do television.”
Dagdag niya, “And I’m hosting Olivia Quido’s beauty product launch in New York with the current Miss Universe. I’m hosting that.”
Kahit sinigurado ni Kuya Boy na magbabalik na siya sa telebisyon, hindi pa rin niya masabi kung saang TV network siya mapapanood.
“Hindi ko pa alam pero marami akong kausap.”
Kamakailan ay nag-host si Kuya Boy ng round-table discussion ng Kapamilya teleseryeng Flower of Evil. Posible bang mag-host siya ng kaparehong ganap para sa GMA-7?
“Anything is possible,” nakangiting sagot ni Kuya Boy.
Mayroon na bang negotiations?
“Kung magugustuhan nila ako. Hindi! May mga pag-uusap. May mga pag-uusap, hindi lamang sa Channel 7,” pag-amin ni Tito Boy.
Hindi naman naramdaman ni Kuya Boy na hindi na siya gusto ng mga taga-GMA 7?
“Ay! Wala naman. Wala naman akong naramdaman na hindi ako gusto ng GMA-7,” nangingiting sagot ni Kuya Boy.
“I have remained very good friends with the bosses, even the staff, the people I worked with in GMA-7. Napakaganda ng relasyon ko.”
Sa bubuksang Advanced Media Broadcasting System (AMBS), may offer ba ito sa kanya?
“Ay! Wala akong offer from… ahh… from the Villar group? Wala. I have had no conversations with them,” sagot niya.
So, may definite offer na ang GMA-7 sa kanya?
“Nag-uusap. Nagpaalam ako niyan sa ABS dati kung puwede akong makipag-usap.
Pinayagan naman akong makipag-usap,” sabi pa ni Tito Boy.
“Pero andoon pa lang, lumulutang. Sa ngayon, wala talagang kasiguraduhan pa. Pero ang alam ko lang, I’m back on television.
“Tatlong taon na po akong walang trabaho. Tatlong taon na po akong jobless. Nakiusap? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Tatlong taon na ho akong walang trabaho,” natatawang sabi pa ni Kuya Boy.
Sa telebisyon lang naman walang project si Kuya Boy sa loob ng tatlong taon. Pero kahit wala siyang trabaho that time ay marami naman siyang impok, ‘di ba? Besides, may YouTube channel siya at may mga business. So, hindi pa rin naman siya nawawalan ng pera.
Pero siyempre, iba pa rin ‘yung may show siya sa telebisyon na dagdag income sa kanya. Kaya gusto niya nang magbalik-telebisyon. Plus, ang sinabi naman niya rati, gusto niyang napapanood pa rin siya sa free channel. Malawak kasi ang sakop niyon, ‘di ba?