Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janelle Tee Benz Sangalang Joey Reyes

Janelle Tee na-enjoy ang pag-aalaga ni Direk Joey Reyes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NA-INTIMIDATE raw si Janelle Tee kay direk Joey Reyes nang una niyang makita ang magaling na direktor sa set ng pelikulang Secrets na pinagbibidahan din nina Denise Esteban, Benz Sangalang, at Felix Roco. 

“Noong una nahihiya ako kasi Direk Joey Reyes ‘yan, intimidating, eh baguhan lang akong artista. But sa set, sobrang gaan niyang katrabaho,” pagtatapat ni Janelle sa digital mediacon ng Secrets kamakailan. 

Pero agad napawi ang pakiramdam niyang ito nang nag-umpisa nang gumiling ang kamera.

“Masaya, I felt comfortable agad. Ang dami niyang advice sa akin about life and the industry. He noticed, ‘grabe ang appetite mo ha, o sige pa.’ Talagang pinapakain niya ako. Siya lang ang director ko na lagi akong binibigyan ng food so I had fun with him,” pagkukuwento ni Janelle.

Ginagampanan ni Janelle sa Secrets ang isang babaeng  may karelasyon na (Benz) pero mai-involve pa rin sa ibang lalaki (Felix).

“Si Janine kasi, nasa loob ang kulo niya, and I’m not like that. But I can relate with her in that she’s a keen observer, tahimik lang, pero ina-assess ang mga tao sa paligid niya,” ani Janelle.

At dahil sa sunod-sunod at dami ng pelikulang ginagawa ni Janelle sa Viva na napapanood sa Vivamax, natanong ito kung hindi ba siya nalilito o nako-confuse sa mga sexy role na ginagampanan niya. 

May shooting gaps naman so there’s time to rest and prepare for the next project. And with the help of the director, hindi ka malilito. And the take away naman po from ‘Secrets’ is that it takes two to tango, to make a relationship work and be careful because everyone has a secret,” paliwanag ni Janelle na nagmarka sa pelikulang Putahe dahil sa pagkakaroon ng lesbian lovescenes with Ayanna Misola, gayundin sa Pusoy dahil sa kanilang sado-masochistic sex scenes ni Baron Geisler.

Ang Secrets ni direk Joey ay isang madilim na kuwento tungkol sa sexual experimentation at pagnanasa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …

Snooky Serna

Snooky tinarayan ng young star

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI na kagulat-gulat ang mga kuwento ng mga kabataang artista, although …

Beauty Gonzalez Ellen Adarna

Beauty happy sa pagkakaroon ng peace of mind ni Ellen

RATED Rni Rommel Gonzales MATALIK na magkaibigan sina Beauty Gonzalez at Ellen Adarna kaya hindi naiwasang tanungin ang una …