Thursday , December 19 2024
Jeepney

Lumang jeepneys huwag palitan, tsuper at operator pabawiin — Kiko

NANAWAGAN si vice-presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes para suspendehin ang programa ng gobyerno na naglalayong tanggalin ang mga jeepney na 15 taon nang ipinapasada.

               Ayon kay Kiko, ito ay bilang tulong sa mga tsuper at mga operator na hindi pa man nakababawi, ay halos linggo-linggo nang ‘pinipilay’ ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

               “Ipagpaliban muna ang pagpapalit ng lumang dyip. Hirap na hirap na ang ating mga tsuper at operator. Di pa nga nakababawi dahil wala o kulang ang pasahero noong lockdown. Ngayon naman, sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng krudo,” ani Pangilinan.

“Kawawa naman ang ating mga tsuper. Gusto naman nilang magtrabaho. Huwag natin silang pigilang maghanapbuhay. Hayaan muna nating makabawi sa sunod-sunod na mga krisis ang ating transportation frontliners,” dagdag ng vice presidential aspirant.

Ang pahayag ni Pangilinan ay pagpapakita rin ng suporta sa posisyon ng kanyang tandem na si presidential candidate Leni Robredo sa nasabing isyu.

Nauna rito, sinabi ni Robredo, ang puwersahang konsilidasyon ng PUV (public utility vehicle) operators, paggamit ng iisang terminal, at ang sapilitang pagpapalit ng jeepneys ay dapat munang itigil.

“Gusto po natin ang modernisasyon ng ating public transport. Ngunit ayaw naman po natin bigyan ng karagdagang burden ang ating mga pasahero at drivers…Ang pangunahing i-focus po natin ngayon ay maibsan ang kahirapan, ma-revive ang ekonomiya at makontrol ang pagkalat ng CoVid-19. Ang mga polisiyang hindi angkop at consistent sa objectives na ito ay dapat isantabi muna,” ani Robredo.

Sa bahagi ni Pangilinan, pabor siya sa pangako ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin ang pamamahagi ng gobyerno ng fuel subsidy para sa operators at tsuper ng public utility vehicles (PUVs).

Nanawagan si Pangilinan na ipamahagi na ang fuel subsidy upang pagaanin ang epekto ng walang tigil na oil price hikes.

Sinabi ng LTFRB, ang PUV drivers ay tatanggap ng P6,500 fuel subsidy fund sa pamamagitan ng Pantawid Pasada cards na iniisyu ng Landbank. Ito ang ipakikita att gagamitin ng mga driver sa mga kalahok na gas stations upang ipambili ng petrolyo.

Ang pagdinig ng LTFRB sa mungkahing dagdag P3 to P5 sa pasahe ay nakatkda ngayong araw, 8 Marso 2022. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Lito Lapid Coco Martin

Coco pag-isipang mabuti pagpasok sa politika

HATAWANni Ed de Leon KINUKUMBINSI raw ni Lito Lapid si Coco Martin na pumasok sa politika. Paanong papasok si …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …