Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Blanco Ina Alegre

James naging acting coach ni Mayor Ina

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang 40 Days na pinagbibidahan ng mayor ng Pola, Oriental Mindoro na si Ina Alegre noong February 27. Mula ito sa direksiyon ni Neil Tan. Ang advance screening ay ginanap mismo sa nasabing lalawigan. 

Bukod kay Mayora Ina, present din sa advance screening ang dalawa sa cast ng pelikula na sina Cataleya Surio at James Blanco. Siyempre pa, hindi rin nawala roon si Direk Neil.

Kaya 40 Days ang title ng pelikula, dahil ito ang bilang ng araw na nilakad ni Mayor Ina ang Pola mula sa Manila. Kinapos kasi siya sa pamasahe, na bigay ng kanyang mga amo na sina Michelle Vito at James pauwi sa probinsiya. Binili pa kasi niya ng stuff toy ang kanyang anak bilang pasalubong.

Sa tanong kay Mayor Ina kung ano ang challenges na kinaharap niya while shooting the film, ang sabi niya, “Una, bago kong pelikula ito, na ako na ang bida. Sobrang hindi ko alam kung anong magiging outcome. Siyempre iniisip natin kailangan magustuhan ni Direk ‘yung acting ko. Siyempre si Direk muna ‘yung iniisip ko.Tama ba ‘yung acting ko? Nandito pa ba ako sa showbiz? Paano ko sila dadalhin  ‘yung manonood sa character na mayroon ako? Sobrang hirap.

“Kasi sobrang tagal kong hindi gumawa ng pelikula. Kaya medyo nahihirapan ako sa pag-arte. ‘Though nandiyan naman si  James na laging nakaalalay sa akin, na kino-coach ako (sa pag-arte). As in, tapos na  ‘yung shooting niya, nandoon pa rin siya kung nasaan ako. Kasi tinutulungan niya ako. Sobrang supportive niya at si Direk, obrang supportive rin.”

Sinegundahan naman ni Direk Neil si Mayora Ina sa sinabi nito tungkol kay James.  Sabi niya, “Malaking tulong talaga si James sa pelikula. Kasi nga,  hindi niya kami binitawan. Nandoon pa rin siya, nag-a-acting coach kay Mayora. Actually, mayroon pa nga siyang idinireheng scene. Yung last scene namin, siya ang nagdirehe niyon. Kaya sobrang thankful ako kay James.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …