Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan Liza Dino

FDCP Chair Liza touch sa papuri ni Lamangan

MA at PA
ni Rommel Placente

SA nakaraang FDCP’s Film Ambassadors’ Night na ginanap noong Linggo, February 28, sa Metropolitan Theater ay napaiyak ni Direk Joel Lamangan si FDCP chair Liza Dino.

Bago kasi mag-umpisa ang taunang event ng FDCP, ay nakipag-kuwentuhan muna si Direk Joel kay Chair Liza.

Sabi ng una sa huli, “After ni Duterte, saan ka na? Dapat, ikaw pa rin!”

Na ang ibig sabihin ni Direk Joel, na dapat sa pagpapalit ng administrasyon this year, ay manatili si Chair Liza bilang Chairwoman ng FDCP.

Natuwa naman si Chair Liza sa sinabing ‘yun ni Direk Joel, lalo pa nang sinabi ng premyadong direktor, “I never liked Duterte but I like her. Dito ka lang, ‘neng! Marami ka pang matutulungan!”

Na-touch lalo si Chair Liza, at ayun na, roon na siya napaiyak. Sobra niyang na-appreciate si Direk Joel sa magandang sinabi nito sa kanya. Na pakiramdan niya sa mga oras na ‘yun ay talagang nagamapanan niya with flying colors ang role niya bilang chairwoman ng FDCP. Naipakita niya ang malasakit at pagmamahal niya sa movie industry.

Totoo ‘yun, malaki ang naitulong mo sa industriya! Marami kang nagawa para sa mga manggagawa!” sabi pa ni Direk Joel kay Chair Liza.

In fairness kay Chair Liza, marami talaga siyang magandang nagawa sa movie  industry mula nang siya ang naging chairwoman ng FDCP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …