BISTADO ang kumakalatngayon sa social media na sinabing pag-gamit ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor, ng mga trolls o mga bayarang tagasuporta.
Sa social media platform na Facebook (FB), ibinuking ng isang account na ‘Usapang Trapo Expose,’ kilala na nila ang mga indibidwal na kasapakat ni Defensor na ngayon ay kumakandidato sa pagka-alkalde ng Quezon City, sa pagpapakalat ng mga maling balita o fake news hinggil sa lokal na pamahalaan at mga paninirang puri Kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon sa ‘Usapang Trapo Expose’ dalawa sa personalidad nilang nakilala ay sina Carmelo Relativo Bayarcal at Tzaddi Tamondong na kilala din bilang Tzadman.
Sina Tzadman at Bayarcal ay nagpapakilalang empleyado ng pekeng kompanyang Mirror Digital Communication, na ‘di naman nila talaga kinabibilangan.
Sina Tamondong o Tzadman at Bayarcal, ayon sa ‘Usapang Trapo Expose’ ang may gawa ng anim na ‘troll accounts’ na konektado kay Defensor. Ang mga account na ito ay makikita sa FB bilang Kurapsiyon QC; Lente ng Kyusi; Batang Kyusi; Taga Quezon City Ako; Quezon City Gladiators, at DDS Quezon City.
Ito ang ginagamit ng dalawa sa pag-atake kay Belmonte na kadalasan ay ‘below the belt’ at ‘libelous’ pa.
Gamit din ang mga FB accounts na ito upang siraan ang administrasyon ng Mayora upang umangat si Defensor sa laban ng dalawa sa pagka-Mayor.
Ang paraang ito ay ginamit na rin ni Defensor noong 2010 nang labanan niya ang noon ay Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista sa pagtakbo nito sa pagka-alkalde.
Dagdag ng ‘Usapang Trapo Expose’ sinira ni Defensor si Bautista sa mga maling paratang ng ‘ghost projects’ at ‘ghost deliveries.’ Ngunit ‘di nga lang siya nanalong alkalde at si Bautista ang ibinoto ng mga taga-Quezon City.