Monday , May 5 2025
BTS Isko Moreno

Yorme wish magkaroon ng sariling BTS ang ‘Pinas

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG musical na Yorme na tatalakay sa buhay ng Presidentiable na si Isko Moreno Domagoso ang unang local film na matutunghayan sa mga nagbukas ng sinehan ngayong panahon pa rin ng pandemya.

Sa pagharap ni Yorme sa entertainment press para sa nasabing pelikula, sinabi niyang nagustuhan naman niya ang iprinisinta sa kanyang proyekto ng Saranggola Media Productions. Na noon pa talaga plinanong gawin at walang kinalaman sa pagtakbo niya sa pelikula.

Kaya naman, minabuti na rin ng producers nito at ng direktor na si Joven Tan na itaon na sa pagbubukas ng mga sinehan ito ibahagi sa publiko at hindi na isinali pa sa padating na Metro Manila Film Festival.

Sa tsikahan ni Yorme with the press, ‘di naman pwedeng hindi lumusot ang mga tanong na may kinalaman sa kanyang pagtakbo. Dahil marami nga ang nagsasabi na bata pa siya para umasam ng pinakamataas na posisyon sa bansa.

Hindi naman kinailangan nitong isa-isahin pang ihatag ang mga kaya na niyang gampanan sa tinatakbo niyang posisyon. Sa pamamagitan naman ng pelikula, makikilala naman ng mga manonood kung sino si Francisco Domagoso o ang basurerong nakilala kalaunan bilang si Isko Moreno.

Tinanong ko si Yorme kung ano ang plano niya sa film industry sakaling maabot niya ang tagumpay at palaring maging lider ng bansa. Sa rami ng nagsitakbo sa politika, kaliwa’t kanan ang iniiwang pangako sa industriya ng pelikula pero pandalas namang matisod at mapako.

Aba! Pangarap pala ni Yorme na magkaroon ang Pilipinas, ha, hindi lang ang showbiz ng sarili nating BTS. ‘Yung mga K-Pop na hindi lang artists ang ibinabando sa mga karatig na bansa all over the world pero ‘yung pati kultura, fashion, lahat ng ikaka-proud ng bansa eh naibabando sa universe.

Mayroon na nga raw P-Pop. Pero ang gusto ni Yorne, para sa film industry eh, mas makilala ang ating mga inumin kaysa mga paborito na ngayon ng mga haling na sa K-Pop na Soju. Na bago ang dayuhan, kilalanin din ang ating artists na pwedeng ilaban din sa K-Pop ng Korea.

“Our own BTS! That we will be truly proud of,” ani Yorme.

About Pilar Mateo

Check Also

Arnold Vegafria David Licauco

Manager ni David Licauco may calling magsilbi sa mga taga-Olongapo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAY na talent manager si Arnold Vegafria pero alam niyang hindi lamang sa …

Zsa Zsa Padilla Through The Years

Zsa Zsa napahanga sa kanyang robotic surgery

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TWO years ago pa pala ang 40th anniversary ng Divine Diva …

MTRCB QCPTA QC Quezon City

MTRCB at QCPTA, nagpulong para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at mga klasikong pelikula para sa mga kabataang QCitizens

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BUMISITA at nagbigay kortesiya ang grupo ng Quezon City Parents-Teachers …

Atty Levi Baligod

Atty Levi Baligod may pakiusap sa mga tumatakbo: maging role model

TUMATAKBONG Kongresista si Atty. Levito “Levi” D. Baligod sa 5th District ng Leyte. Nakalulula ang naabot niyang …

Mark Anthony Fernandez Jomari Yllana

Jomari Yllana nag-react sa scandal ni Mark Anthony 

ni Allan Sancon MASAYANG nakatsikahan ng ilang members of the media ang actor-turned-politician na si Jomari …