Ayon sa source na malapit sa pamilya Duterte, kawawa si Sara dahil walang access sa kanyang ama dahil binabakuran umano ni Go.
Ginagawa umano ni Go ito upang protektahan ang mga “kanegosyo at allies” sa gobyerno.
Kasunod nito, tinanggal na umano ni Sara ang lahat ng tauhan ni Go na nasa campaign team niya.
Habang ang malapit na kaibigan ni Sara na si Atty. Bruce Rivera ay may mga ipinukol na tanong sa isyu na ang pagsuporta sa Bongbong-Sara ay paghahati sa pamilyang Duterte.
“Sino ba ang nakigulo sa away ng pamilya? Sino ba ang enabler na samahan ang isa pang tumakbong bise kahit tapos na ang pagiging president? Sino ba ang nagpasama mag-file kahit hindi nga masamahan ang sariling anak mag-file ng COC nito? Sino ang mas ginustong magkainisan ang kapamilya kahit puwede naman huwag makialam kasi nasa posisyon naman siya at may kapangyarihan? Sino ba ang ginagamit ang popularity ng ama para siraan ang anak?” ani Rivera sa paskil sa Facebook.
Para kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renator Reyes, Jr., sa paglutang ng Bongbong-Sara at Go-Duterte sa 2022 elections ay parang pinapipili ang mga botante kung aling bersiyon ng impiyerno ang mas gusto nila.