Friday , November 22 2024
Isko Moreno, Leni Robredo, Manny Pacquiao, Ping Lacson

Unity talks kina Leni, Manny, at Ping, Isko kasado

NAKAHANDA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na makiisa sa kapwa presidential bets, Vice President Leni Robredo at senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao kung ang agenda ay matugunan ang mga problema ng bayan at hindi para lamang manalo sa halalan.

Inihayag ito ni Isko, kasunod ng ulat na susuportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kandidatura ng anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa 2022 presidential elections.

“If we are going to unite on the issues at hand and challenges of our people, then I’m willing, but if we’re going to unite just to win because they wanted to win, medyo hindi ako masyadong ano do’n,” sabi ni Mayor Isko sa panayam sa Politics As Usual sa CNN Philippines nang tanungin kung nakahanda siyang makiisa kina Robredo, Lacson, at Pacquiao.

“Kasi ang kailangan, ‘yung pag-usapan natin, ‘yung problema ng tao, e,” dagdag ng presidential candidate na alkade ng Maynila.

Ayon kay Yorme Isko naka-move on na siya sa naging iringan sa mga tagasuporta ni Robredo kaugnay sa isyu ng pamilya Marcos.

“I have moved on,” aniya. “If they’re offended, I’m no angel, but definitely, I’m not the devil. I’m just trying to stress some points,” aniya.

Iginiit ni Mayor Isko, kapag naluklok sa Malacañang, pananagutin niya ang mga nasa likod ng mga naganap na katiwalian lalo sa panahon ng pandemya at kalupitan kasama rito ang extrajudicial killings sa ilalim ng Duterte drug war.

“Let’s pursue it if there is liability on anybody, that includes former president, whether the family benefited from it, whoever, especially ‘yung what we call na nag-abuso sa pandemya, and the EJKs,” ani Moreno.

Itinanggi muli ang pagbabansag sa kanya bilang “Duterte candidate” o sekretong kandidato ng administrasyon.

“That’s a no, but definitely, I’m’a president of a party, and I ran under my party,” wika niya.

Si Moreno ay pangulo at standard bearer ng Aksyon Demokratiko tandem niya bilang vice presidential bet si Doc Willie Ong. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …