Saturday , November 2 2024
electricity meralco

PH ayaw pasukin ng investors dahil sa super mahal na koryente — Solon

MULING binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang panibagong power rate hike ngayong Oktubre, at sinabing ayaw pumasok ng mga investor sa bansa dahil sa napakamahal na koryente.

“Talaga namang napakamahal ng koryente dito more than sa sinasabi nilang rason na mataas ang labor cost dito. I don’t think that is the real reason, ‘yung reason talaga kaya ayaw pumunta ng mga investors dito ay ang napakamahal na koryente,” pahayag ni Zarate sa isang panayam.

“For as long as hindi talaga maipababa ‘yan, ‘yan talaga ang magpu-pull down sa pag-bounce back ng ating economy. However, you will entice investors to come in ‘yung nga inaasahan mong mga investors at maghahanap sila kung saan mas favorable sa kanilang atmosphere… ‘yan ang sinasabi lagi ng mga investors kaya hindi ganoon  ka-competitive ang Filipinas,” dagdag ng mambabatas.

Umapela rin ang kongresista sa Meralco na maging responsableng korporasyon at isaalang-alang ang kalagayan ng mga consumer sa gitna ng kinakaharap na pandemya.

Aniya, maaari namang i-delay o i-absorb ng Meralco ang tinatawag na ‘pass on charges’ dahil hindi nila ito ikalulugi.

“Itong mga pag-increase ngayon na sinasabi ng Meralco, for example na pass on charges, puwede i-absorb ito ng Meralco,  hindi naman ito magreresulta sa pagkalugi ng Meralco. In fact, almost monopoly na ang kanyang franchise area, even despite pandemic, nabalitaan ba natin na nalugi ang Meralco,  siguro medyo nabawasan ang profit pero profitable pa rin siya but compared to ordinary Filipinos, for example,  napakalaki ng nawala sa kanila during pandemic, so ang ating panawagan paulit-ulit sa Meralco na puwede nilang i-delay o i-absorb na ‘yan,” pagbibigay-diin ni Zarate.

 “Ang  counter argument naman natin diyan napakaraming generation companies na pinagkukuhaan ng Meralco  ng kanyang supply at mga sister companies if not 100 percent owned at least partially owned ng Meralco. So, ito rin ‘yung nagpapasa ng napakalalaking generation cost na eventually pinapasan ng mga consumer at napalaking challenge din ito sa Department of Energy dahil ang DOE and even the regulatory commission, ang  ganitong pagtaas ng bayarin sa koryente parang nangyayari na nga ito e, sinasamantala sa panahon ng pandemya,” dagdag ni Zarate.

Nauna nang inianunsiyo ng Meralco ang P0.0283 per kilowatt-hour na dagdag-singil sa koryente ngayong buwan dahil sa mas mataas na transmission charge.

Katumbas ito ng taas-singil na P5.66 para sa may konsumk ng 200 kWh, P8.49 sa mga gumagamit ng 300 kWh, at P14.15 sa 500 kWh.

Ito na ang ika-pitong sunod na buwan na magpapatupad ang Meralco ng power rate hike.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …