Saturday , April 19 2025

Koryente sa Iloilo ‘overcharged’

PINAKAMAHAL sa buong bansa ang singil ng elektrisidad ng Panay Electric Company(PECO) sa Iloilo City higit sa distribution utility na Manila Electric Company (Meralco) batay sa isinagawang paghahambing ng electricity rates na isina­gawa ng isang non-govern­mental orga­n­i­zation (NGO).

Ayon kay Ted Aldwin Ong ng Freedom from Debt Coalition, taon 2010 nang una silang magsa­gawa ng comparative study sa singil ng kor­yente sa bansa kabilang sa mga siyudad ng Davao, General Santos, Tacloban, Cebu, Bacolod, Iloilo at Maynila.

Sa nasabing pag-aa­ral, lumabas na ang Iloilo ang may pinakamataas na singil at makalipas ang walong taon ngayong 2018, nanatiling ang na­sabing lalawigan ang may pinakamataas na presyo ng koryente.

Batay sa pinaka­hu­ling rebyu ng power rates ng FDC na ipinalabas noong Agosto 2018, na­ba­tid na ang mga resi­dente sa Iloilo ay nag­babayad ng P12.0917 per kwh sa koryente na ibinibigay ng PECO.

Ang nasabing halaga ay mataas kompara sa ibinabayad ng mga re­sidente sa Davao City na P10.1228 per kwh sa serbisyo ng Davao Light & Power Co; sa Manila at National Capital Region ng Meralco ay P10.219 per kwh.

Sa Tacloban City, ang may pinakamababang singil na P8.9388 per kwh na sineserbisyohan ng Leyte Electric Cooperative II habang sa General Santos City ay nagba­bayad ng P10.2140 per kwh ang mga subscribers ng South Cotabato Electric Cooperative II.

Ang residential electricity rates sa Cebu City na ibinibigay ng Visayas Electric Co ay naniningil naman ng P11.7247 per kwh at sa Bacolod City ay P11.8574 per kwh.

“Iloilo suffered from the highest residential electricity bills not only in the Philippines but in the entire world,” ayon kay Ong.

Nabatid na ang nasa­bing pag-aaral ng FDC ang isa sa naging basehan ng  House Committee on Legislative Franchises nang magsagawa ng public hearings para sa franchise application ng More Electric Power Corp.

Ang mataas na singil na hindi akma sa ibini­bigay na serbisyo ng PECO ang sinabing dahi­lan kung bakit nagpasa na ng resolusyon ang Iloilo City Council at nagsumite ng signature campaign na pirmado ng 29,000 verified residents na humihiling sa Kamara at Senado na tulungan sila sa kanilang situ­wa­syon sa pamamagitan ng pagbibigay daan na mag­karoon ng bagong players na may kakayahang ayu­sin ang serbisyo

Sa panig ng MORE, sinabi ng tagapangulo nito na si Roel Castro, tinitiyak nila sa mga re­sidente ang mas maba­bang singil sa koryente sa pamamagitan ng kani­lang nakalinyang isa­gawang modernisasyon ng kasalukuyang trans­mission system at net­work.

“This will raise dis­tribution efficiency and lower operating costs,” pahayag ni Castro.

Bukod sa mataas na singil sa koryente, una na rin iniangal ng mga con­sumer at ng City Council ang overcharging ng PECO na hanggang 1000 porsiyento.

Lumantad sa Senate hearing noong 22 Oktubre 2018 ang ilang consumers na nagrereklamo laban sa PECO kabilang sa kanila ang isang retired teacher na si Mildred Jaromahum.

Umangal si Jaro­ma­hum dahil umabot ang kanyang March 2017 electric bill hanggang P114,375 mula sa dating P3,500 kada buwan ngu­nit imbes pakinggan ang reklamo, sinabi sa kanya ng PECO na ba­yaran ang nasabing ha­laga.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *