Tuesday , April 29 2025
electricity meralco

ERC dapat managot sa asuntong Graft

SAMPAHAN ng kaso ang pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa muli nitong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ito ang naging rekomendasyon ng dalawang komite ng Kongreso makaraang matapos ang imbestigasyon kaugnay sa suspensiyon ng ERC sa Competitive Selection Process (CSP).

Sa pinal na ulat, ang ERC Resolution No. 1, Series of 2016 ay hindi makatuwiran dahil magbibigay-daan ito upang lalo pang tumaas ang presyo ng koryente na ibinibenta ng Meralco.

Ayon kay Rep. Carlos Isagani Zarate ng Bayan Muna, nagresulta ang desisyon na ito ng ERC sa tinatawag na Meralco ‘sweetheart deals’ kaya sumirit pataas ang presyo ng koryente.

Ang pitong Power Supply Agreements o PSA na pinasok ng Meralco sa kanilang pagmamay-aring power plants ay nagresulta sa overpriced power rates na aabot sa P5.12 per kilowatt-hour o sobra ng P1.45/kwh.

Malinaw anila itong paglabag sa pangu­nahing layunin ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na magkaroon ng mababang presyo ng koryente sa pamamagitan ng open at com­petitive selection process ng power suppliers.

Dahil dito, inirekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Energy ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga opisyal ng ERC sa Office of the Ombudsman.

Matatandaang dati nang ipinasibak ng Ombudsman ang maraming opisyal ng ERC dahil sa kahalintulad din na paglabag sa RA 3019 na nakabinbin ngayon sa Court of Appeals matapos iapela ang naturang desisyon.

About hataw tabloid

Check Also

042925 Hataw Frontpage

FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST PATULOY NA UMAANGAT SA SURVEY
Suporta ng mamamayan lalong lumalakas

HATAW News Team ANG Social Weather Stations (SWS) Survey ng Abril 2025 ay naglagay sa …

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …

Malabon City

Kapag hindi nakalusot sa Comelec
Deskalipikasyon vs Sandoval posible

NANGANGANIB na madeskalipika o malagay sa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie …

Isko Moreno Manny Pacquiao

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *