Sunday , March 26 2023
electricity meralco

Murang koryente abot-kaya na

ITINUTULAK ngayon sa Kongreso ang panukalang-batas na nagbibigay ng prangkisa sa isang 100-percent Pinoy corporation na nagsusuplay ng koryente gamit ang mga mini-grids mula sa init ng araw at iba pang renewable energy sources upang madulutan ng malinis at murang elektrisidad 24-oras ang mga komu­nidad sa bansa, ayon kay Deputy Speaker Arthur Yap.

Umapela si Yap sa mangilan-ngilang grupo sa hanay ng energy sector na huwag gamitin ang mga probisyon ng lumang  Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) para mapigilan ang mga bagong kompanya na magsuplay ng mura at tuloy-tuloy na koryente gamit ang malinis o green technologies.

Aniya, ang layunin ng mga ganitong kompanya ay tugma sa plano ng pamahalaang Duterte na “total electrification” sa buong bansa pagdating nang 2022.

Si Yap ang pangunahing may-akda ng bill na nagbibigay sa  Solar Para Sa Bayan Corp. (SPSB) ng “non-exclusive” na prangkisa para magtayo at magpatakbo ng mga ”distributable power technologies and mini-grid systems.”

Ayon kay Yap, ang House committee on legislative franchises ni Palawan Rep. Franz Alvarez ay tiniyak na may karampatang safeguards sa pagbibigay ng prangkisa sa SPSB para mapangalagaan ang kapakanan ng publiko at ng mga apektadong sektor.

Ilan sa mga probisyon ng bill ay pagbabawal sa pagbebenta, renta o transfer ng franchise. Hindi rin eksklusibo ang franchise kaya’t maaari pang mabigyan ng franchise ang ibang nagbabalak nang ganitong paraan ng pagsusuplay ng koryente.

“Ang bill ay nagbubukas ng mga opor­tunidad para sa mga bagong kompanya na mag-apply din ng kanilang sariling franchise para magsuplay ng koryente gamit ang mga ma­kabago at murang  teknolohiya,” ayon kay Yap.

“Ito ay isang panukalang batas na binuo para tibagin ang mga kasalukuyang monopoly ng mga nakagisnan na nating nagsusuplay ng koryente sa malalayong lugar na hindi lang mataas sumingil kundi palpak pa ang serbisyo,” dagdag ni Yap.

Tiniyak ni Yap, ang mga hearing ng committee ni Alvarez ay malawak ang pagka­katalakay sa franchise bill kaya naman mahigit 100 mambabatas ang nagpahatid ng kanilang suporta para rito.

Mula sa orihinal na bilang na 33 co-authors, mahigit 7o mambabatas sa Kamara ang nagsabing susuportahan nila ang panukalang batas na nagbibigay ng prangkisa sa SPSB.

Ang panukalang batas ay House Bill 8179, ang binuong bersiyon ng pinagsamang panukalang batas ni Yap, Rep. Maria Carmen Zamora at iba pang kongresista.

Sinisigurado sa HB 8179 na hindi malalabag ang mga  kasalukuyang franchise ng mga distribution utilities (DUs) at electric co­operatives (ECs) sa pagbibigay ng bagong franchise sa SPSB.

Hindi maaaring maging eksklusibo ang isang franchise dahil ito ay labag sa batas kaya naman may mga iba pang prangkisa na tinatalakay ngayon sa Kongreso para sa DUs sa Camarines Sur at Iloilo City, kahit mayroong mga naunang DUs na nagsusuplay ng koryente sa nasabing mga lugar, ani Yap.

Dagdag ni Yap, ang EPIRA na naging batas, 17 taon na ang nakalipas ay may layuning sirain ang monopoly ng  National Power Corp. (Napocor) sa power generation at transmission at maisapribado ang  downstream power  industry para gumanda ang serbisyo at bumaba ang singil sa koryente.

“Kung gayon, ang EPIRA ay hindi isinabatas ng Kongreso para pigilin ang mga bagong kompanya na magsuplay ng mura at tuloy-tuloy na daloy ng koryente sa mga tinatawag nating ‘underserved and unserved communities’,” ani Yap.

Dagdag ni Yap, ang  HB 8179 ay tugma sa ”inclusive growth agenda” ng Pangulong Duterte, na maisasakatuparan kung uunlad ang ekonomiya lalo sa mga rural areas at liblib na komunidad.

“Isang tiyak na paraan para maramdaman ang economic growth sa labas ng Metro Manila at mapasigla ang ekonomiya ng mga liblib na komunidad  ang pagdadala ng mura at tuloy-tuloy na daloy ng koryente dito. Ang teknolohiya ng SPSB ang isa sa mga mura at epektibong solusyon para maisakatuparan ang programa ng pamahalaan na mabigyan ng koryente ang bawat sulok ng Filipinas pagdating ng 2022,” ani Yap.

Ayon kay Yap, maaari sanang mabigyan ng mga insentibo ang SPSB dahil ito ay nasa batas naman, pero minarapat ng committee ni Alvarez na tanggalin ito matapos ang masusing pag-aaral.

“Kaya matitiyak natin na ang SPSB ay isang pribadong kompanya na walang tulong na galing sa gobyerno. Ang layunin nito ay makapag­suplay ng koryente 24-oras sa murang halaga,” ayon kay Yap.

Nakasaad din sa HB 8179 na ang SPSB ay dapat na “regulated” o may kontrol ng gobyerno at dapat na sumingil nang pantay o mas mababa pa sa rates na aprobado ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa lugar o pinakamalapit na lugar kung saan magtatayo ng mini-grids.

About hataw tabloid

Check Also

SM Xiamen Phase III wins “2022 Best Architectural Design Award”

 SM Xiamen Phase III wins “2022 Best Architectural Design Award”

Commercial complexes newly-opened or completed before Y2023 in Chinese Mainland, Hong Kong, Macao and Taiwan …

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Krystall Herbal Oil

Benepisyo ng CPC at Krystall Herbal Oil sa mga ‘feeling bloated’ at FGO Libreng Seminar

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          I’m one …

SM DOTr 1

SM Cares, DOTr launch Share the Road video campaign to promote safer, more accessible roads

DOTr Undersecretary Mark Steven C. Pastor and DOTr Secretary Jaime J. Bautista join SM Supermalls …

Leave a Reply