Sunday , March 26 2023

ERC walang paki sa non-renewal ng PECO franchise

WALANG nakikitang problema si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Agnes Devanadera kung hindi man i-renew ng Kamara ang prankisa ng Panay Electric Company (PECO) ngunit dapat lamang tiyakin na walang magi­ging problema sa supply ng koryente para sa mga residente.

Ang pahayag ng ERC ay bilang reaksiyon sa nauna nang sinabi ni House Committee on Legislative Franchise Chairman Rep.Josef Al­varez na mas mara­ming kongresista ang hindi pumapabor na i-renew pa nang panibagong 25 taon ang prankisa ng PECO dulot na rin ng maraming reklamo ng mga consumer sa serbisyo nito gaya ng palagiang brownout, overbilling at mahinang customer service.

Ani Devanadera, la­hat ng reklamo laban sa PECO ay kanilang tinu­gunan at kung magde­desisyon ang Kamara na tuluyan nang tanggalan ito ng prankisa ay desi­s-yon na ito ng mga mambabatas.

“Our main concern sa ERC ay walang stoppage. ‘Yung  ibang reklamo gaya ng hindi pag-refund ng sobrang ibinayad (P631 milyon) at pagba­balik sa bill deposit ay ang amin namang tututukan na maibigay dapat sa mga consumer,” paliwa­nag ni Devanadera.

Ilang incompetencies ng electric company ang sinasabing batayan ng komite para hindi i-renew ang prankisa ng PECO na nakatakda nang mag-expire sa 18 Enero 2019, hawak din umano ng komite ang ilang reklamo ng mga consumer pa­tung­kol sa pagtaas nang 1,000% ng kanilang electricity bill gayondin ang ipinasang resolusyon ng Sangguniang Pang­lungsod (SP) sa Iloilo City na humihiling sa Kamara na huwag nang bigyan ng prankisa ang PECO dahil mas nanaisin nilang ang gobyerno na ang ma­ngasiwa sa kanilang power supply.

Samantalam uma­pela si Iloilo City Coun­cilor Joshua Alim sa Kamara na silipin ang kanilang kondisyon sa lala­wigan, gayondin ay pagtuunan ng pansin ang kanilang isinumiteng dokumento na naglalaman nang mahigit 30,000 lagda na tumututol sa patuloy na operasyon ng PECO.

“Sana naman hindi sa negosyo ang bigyang konsi­derasyon ng Kamara kundi ang kapa­kanan ng mga residente,” pahayag ni Alim.

Inihalimbawa niya ang patuloy na insidente ng overbilling ng PECO sa mga consumer na may ilang residente ang sinisingil nang hanggang P100,000.

Ngunit imbes resol­bahin kung bakit tumaas ang singil, ang hakbang na ginagawa ng kom­panya ay pinababayaran nang pakonti-konti sa mga consumer ang so­brang singil at may ilan umano na napipilitang gawin ito sa takot na mawalan ng koryente.

Dagdag ni Alim, sa isinagawang pag-aaral ng Singapore based na Consultancy Firm na WSP sa infrastructure ng PECO, lumalabas na hu­ling-huli ito kung iko­kompara sa ibang distri­bution utilities sa Manila, Cebu at Davao. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply