Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tesdaman, Joel Villanueva, Leni Robredo, Ping Lacson, Manny Pacquiao

“Tesdaman” nagpasalamat sa endoso ng 3 pres’l wannabes

NAGPASALAMAT si reelectionist senator Joel “Tesdaman” Villanueva sa tatlong presidential wannabes sa pag-endoso sa kanya na muling makabalik sa senado para sa halalan sa Mayo 2022.

Kabilang sa presidential wannabes na nag-endoso at nagsama sa kanilang senatorial line-up ng pangalan ni Villanueva  ay sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Villanueva ito ay patunay na nakita ng tatlong nagnanais na maging pangulo ang kahalagahan ng pag­sulong sa usapin ng trabaho at kabuhayan, na pangunahing adbokasiya ni “Tesdaman.”

“Very humbled po tayo sa pagkilala sa ating naging trabaho at work ethic sa senado. Iba-iba man ang mga partido at pananaw sa sari-saring usapin at isyu, pinag­bubuklod po tayong lahat ng iisang adbo­kasiya at layunin at ito ang lumikha at gumawa ng trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan. Marami pong salamat sa tiwala,” masayang pahayag ni Villanueva.

Tinutukoy ni Villanueva, bukod sa paggawa ng mga batas at paghahain ng mga panukalang batas ay nakapaglikha din ito ng dagdag na trabaho para sa mga mamamayan.

“Lubos po tayong nagpapasalamat at nalulugod sa pagsama kay Tesdaman bilang guest candidate nina VP Robredo, Senator Lacson, Pacquiao, at iba pang mga presidential candidates,” ani Villanueva, chairman ng Senate labor committee na nagsusulong ng mga patakarang may kina­laman sa trabaho at kabuhayan ng manggagawang Filipino.

Si Villanueva ay nahalal noong 2016 bilang senador, pumangalawa sa mga nanalong senador at nakakuha ng botong 18,459,222 ngunit bago ihalal ay  nanungkulan  bilang Director General ng TESDA mula 2010 hanggang 2015.

Sa kanyang pagpa­palawak ng tech-voc training, higit 20 milyong Filipino ang natulungan ni Villanueva, chairman rin ng Senate higher and technical-vocational education.

Matapos maihalal, ilan sa mga panukala na naging isang ganap na batas na siya ang pangunahing may-akda ang Doktor para sa Bayan, Work from Home law, Tulong Trabaho law, Job Safety and Health Standards, at First-time Jobseekers Assistance Act.

Sa kasalukuyan ay mayroong 500 panu­kalang batas ang naihain ni Villanueva simula nang siya ay umupong senador at 82 dito ay pawang naging ganap na batas.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …