SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
PAWANG mga astig, action star, at totoong lalaki ang bibida sa ika-12 pelikula ni Direk Darryl Yap, ang Barumbadings na handog pa rin ng Viva Films at mapapanood na sa Vivamax simula Nobyermbre 5. Ang mga ito ay sina Joel Torre, Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez, at Baron Geisler.
Ayon kay Direk Darryl sa katatapos na zoom media conference, hindi siya nahirapang idirehe ang apat at sila talaga ang choice niya para gumanap sa Barumbadings.
Gagampanan ni Joel si Mother Joy na siyang kumupkop kina Izy (Jeric), Jopay (Mark Anthony), at Rochelle (Baron). Isa siyang sikat na fashion designer na may-ari ng dress shop na House of Joy. At kahit bruskong tingnan dahil sa kanyang bigote at balbas sarado, si Joy ay may malambot na puso, maawain, at mapagpatawad.
Ayon kay Joel, bucket list niya ang gumanap na bading.
First time niyang gumanap na lantad na bading. ”I’ve played some gay roles pero closet. This is the first time na I’ve play a granny or very flamboyant gay.
“Seriously, it was part of a bucket lists, sa dinami-rami ng roles na ginampanan ko, secretly it’s one of my bucket lists to play na talagang flamboyant gay.”
Sinabi pa ni Joel na hindi siya nagdalawang-isip na tanggaping ang role nang ialok sa kanya ng Viva.
“I did not hesitate. Pero natakot din ako because I don’t want it to be superficial. I don’t want it to be representation na lang through physical ano lang.”
Bagamat kinabahan sa pagganap na Mother Joy, excited si Joel na gampanan ito kaya naman nagtanong-tanong siya sa mga kaibigan niya na eksaktong may ganoong personalidad kay Mother Joy. “I took up the challenge. May mga kaibigang malambing, feminine.I have friends na bading from fashion world, they were the old school gays, very motherly, very caring, partly in the story na there is a conflict of the gays of today o old school o matatandang bading na.So hindi naman ako nahirapan.”
Sinabi naman ni Direk Darryl na mas nahirapan siya sa schedule ni Joel kaysa idirehe ang apat.”To be very honest, nahirapan lang kami sa schedule ni Joel Torre. Kaya nga noong sabihin ni Tita June Rufino na umokey ang Vivaa sa aking movies, I immediately said na dapat i-book agad si Joel Torre.
“Sinabi ko talaga na gagawin ko lang itong pelikulang ito kung ang gaganap na mother gay ay si Joel Torre. Kung hindi siya available, hihintayin ko talaga siya.”
Iginiit pa ni Direk Darryl na mas gusto talaga niyang mga totoong lalaki ang gumanap sa kanyang pelikula. ”Hindi kasi ako ‘yung ang kailangang I-cast sa mga bakla role ay bakla lang. Kung sino sila sa totong buhay ‘yun ang kailangang i-cast. I always believe na in the artistry and the truth of a person more than the truth in real life, I’m a movie director and the representation of the characters should be earned and should be research. Hindi lang porke’t ikaw iyon, dapat iyon lang ang makukuha mong role.”
At satisfied siya sa ibinigay na arte ng mga bida sa Barumbadings. ”With the whole cast lahat naman matatalino, napakabilis sabihan, turuan. Nahirapan lang ako sa pagpapalambot. Sana nagdala ako ng maraming downy kasi sobrang controlled lahat. Every now and then magka-cut ako kasi mataas ang balikat ni Mark Anthony.
“Above all, panalong-panalo ako sa pelikula ito lalo na ‘yung experience ko with direk Joel. Lahat sila magagaling na artista. Wala akong masasabi sa kanila talaga.”
Kasama rin sa Barumbadings sina John Lapuz at Cecil Paz. Kaya humanda na sa Nov 5 dahil tegi na ang baklang madrama dahil action star na ang mga reyna!