Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua at Zaijian makakasama sa Darna

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa kasama kung sino ang gaganap na Valentina sa ini-announce na magiging parte ng Darna: The TV Series kahapon ng hapon sa isinagawang Darna Cast Reveal ng JRB Creative Production.

Kaya naman kanya-kanyang hula kung sino nga ba ang bagong Valentina na marami na ang napabalitang gaganap sa karakter na ito kasama sina Janine GutierrezPia Wurtzbach, Alessandra de Rossi, at Anne Curtis-Smith.

Pero walang kompirmasyon sa apat kung isa nga sa kanila ang gaganap na Valentina.

Anyway, kasama sina Joshua Garcia at Zaijan Jaranilla sa mga ipinakilalang makakasama sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series na gagampanan naman ni Jane de Leon si Darna.

Si Joshua ang isa sa male lead ng serye at gagampanan niya ang karakter ni Brian Samonte Robles, isang pulis. Si Zaijian naman si Ricardo Custodio, o mas kilala bilang Ding, ang nakababatang kapatid ni Narda at sidekick ni Darna.

Sa isinagawang virtual launching ng serye, ipinaliwanag ni Zaijian ang kanyang karakter. ”Mahilig siya sa technology at computer games.”

Mag-uumpisa ang production ng Darna sa November.

Kasama rin dito si Iza Calzado, na gaganap bilang unang Darna. Siya si Leonor Custodio, ang “prime warrior” mula sa Planet Marte at ina nina Ding at Darna.

Ang iba pang cast na kasama sa Darna series ay sina Rio Locsin, Gerard Acao, Tart Carlos, Marvin Yap, Zeppie Borromeo, Yogo Singh, LA Santos, Young JV, Mark Manicad, Joj Agpangan, Levi Ignacio, Simon Ibarra, Richard Quan, at Kiko Estrada.

Bukod kay Chito Rono na naunang inihayag na magdidirehe, kasama rin bilang ikalawang director ng serye si Avel Sungpongco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …