Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Paulo at Julie Anne sabit sa hiwalayang Janine-Rayver

I-FLEX
ni Jun Nardo

HIWALAY na raw ang showbiz couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Tahimik pa ang dalawa sa rason ng kanilang hiwalyan.

Iniuugnay ngayon si Janine sa kapareha niyang si Paulo Avelino. Mag­kasama kasi sila sa isang series.

Kay Julie Anne San Jose naman inirereto ngayon si Rayver. Hosts sila ng GMA’s singing competition na The Clash at guest si Rayver sa second part ng Limitless concert ni Julie Ann na ang Visayas region naman ang mamamalas.