SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NOON pa man, palaban na si Iwa Motto. Kaya hindi kami nagtaka nang ipagtanggol nito ang kanyang father in law na si Sen. Pampilo ‘Ping’ Lacson mula sa mga troll.
Minsang nag-post kasi ang Starstruck alumna ukol sa pagtakbo nina Sen. Ping bilang pangulo at Sen. Tito Sotto bilang vice president sa 2022 election may mga nagkomento na pare-pareho ang kuda o kaya naman eh, nang-iinis at naninira.
Kaya naman hindi ito inatrasan ng aktres na may dugong Hapon at parang taglay na rin ang dugong Caviteno at sinagot ang mga hindi magagandang komento.
“Kung maka judge kayo kala mo napaka linis. Tapos puro naman trolls!!! Dun kayo mag rant sa page nyo wag sa page ko,” palaban na bira ni Iwa sa mga lumilihis sa kanyang opinyon.
“Pasalamat ka bored ako now kaya pinansin kita. Pero again share your opinion sa platform mo! Not here! Plus hindi naman ako tumatakbo ah bakit sakin mo sinasabi yan?,” giit pa ng asawa ni Pampi.
Noon pa man eh target na ng mga bayarang trolls (na balitang bongga ang sahod), itong sina Ping at Tito Sen kahit hindi pa sila nagdedeklarang tatakbong presidente at VP sa 2022. Eh ‘di lalo na ngayon.
Kaya ‘wag nang magtaka kung sa bawat post ni Iwa, maraming ‘di magagandang comment ang makikita niya. At sa pagtarget sa kanila ng mga troll, isa lang ding patunay na matindi ang tandem ng Ping-Sotto kaya gusto silang siraan at gibain.