BALIK normal na ang operasyon sa redemption center at puwede na muling magsagawa ng face-to-face transactions sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw Martes, 31 Agosto.
Lahat ng transaksiyon, kabilang ang pagbabayad ng multa sa traffic violations ay tatanggapin sa Redemption Center.
Sa mga nais magbayad sa pamamagitan ng electronic o cashless sa online payment channels ay pinapayagan pa rin, sa pamamagitan ng Landbank, Bayad, GCash, at PayMaya.
Kamakailan, sinuspende ng MMDA ang pagbabayad ng traffic violations sa redemption center ng ahensya simula noong 17 Agosto 2021.
Layunin nitong malimitahan ang face-to-face transactions dahil sa patuloy na pagsipa ng bilang ng Covid-19 cases. (JAJA GARCIA)