Wednesday , March 29 2023
Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme tuwing rush hour sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Ipatutupad ito mula Lunes hanggang Biyernes, 5:00 pm hanggang 8:00 pm, hindi kasama ang holidays.

Matapos itong aprobahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng MMDA na kinabibilangan ng mga alkalde at ang naturang hakbangin ay maiwasan ang matinding trapik sa Metro Manila.

Sabi ni MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., sakop ng naturang traffic scheme ang mga pribadong behikulo.

Mga behikulong ang plate number na huling digit ay numero 1 at 2 ay bawal lumabas ng Lunes, ang 3 at 4  ay bawal ng Martes, 5 at 6 ay bawal ng Miyerkoles, 7 at  8 ay bawal ng Huwebes, samantala ang 9 at 0 ay bawal naman ng Biyernes.

Exempted sa naturang traffic scheme ang mga public utility vehicles kabilang ang tricycle, transport network vehicle services (TNVS), motorcycles, garbage trucks, fuel trucks, behikulong nagdadala ng mga essential at perishable goods.

Sinabi ni Neomie Recio, MMDA Traffic Discipline Office director, nasa 2,700 behikulo ang mababawas kada oras sa EDSA sa pagpapatupad ng UVVRP.

Samantala, ayon kay Abalos, muling ipatutupad ang light trucks ban sa EDSA.

Base sa UVVRP motor vehicles plates ending, ang mga light truck ay bawal bumagtas sa EDSA pagitan ng Magallanes, Makati City at North Avenue, Quezon City, parehong  northbound at  southbound, mula 5:00 am hanggang 9:00 pm simula Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang holidays. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …