Friday , September 20 2024

Mas agresibong Covid testing at contact tracing nais ni Abalos

KInalap ni Tracy Cabrera

MAKATI CITY, METRO MANILA — Sa pagbigay pansin sa pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa Cebu City sanhi ng patuloy na pagpapatupad ng agresibong pagsusuri at contact tracing ng coronavirus ng Emergency Operations Center (EOC) ng lungsod, hinayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and concurrent Metro Manila Council chairman Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na dapat mag-adopt na kahintulad na polisiya sa National Capital Region  (NCR) Plus, na kasama rin ang mga lalawigan  ng Cavite, Laguna, Batangas at Bulacan.

Sa nakalipas na mga linggo, sadyang nagtala sa Cebu City ang mga kaso ng Covid-19 sa 200 araw-araw at ayon sa ulat ng Department of Health Region 7 (DoH-7), nagkaroon ng 172 bagong kaso nitong Agosto 29, 2021 at 115 nang sumunod na araw. Nagsimulang bumagsak ang bilang simula noong Agosto 21.

Ayon kay Cebu City Emergency Operations Center (EOC) chief councilor Joel Garganera, ang pagbaba ng mga Covid infection sa lungsod ay bunsod ng pinaigting na pagpapatupad ng mga pandemic response measureat gayun din ng mas mahigpit na pagpapairal ng minimum health safety protocol at quarantine restriction na nakatulong sa pagpapabab a ng ngbilang ng mga kaso na umabot sa 400 noong unang bahagi ng Agosto 2021.

Hinayag ni Garganerana sa turnaround time na 24 oras, nagawa ng EOC na agarang makapagsagawa ng contact tracing ng mga index case sa pamamagitan ng kanilang mga contact tracing team na umakto na ring mga swabber na siyang kumukuha ng mga sample ng household member at ibang mga first generation contact ng mga index case. Para naman sa mga second generation contact, susuriin  lamang yaong nagpapakita ng mga sintomas.

Hinati ng EOC ang Cebu City sa lim an g bahagi—north, south, east, west at central—at nak atalaga ang mga contact tracing teams sa mga stratehikong lugar para mabilis silang makapag sasagawa ng contact tracing matapos makatanggap ng listahan  ng mga nagpositibo sa sakit.

“Our intervention is faster because they can be tested,” wika ni Garganera.

Dahil sa positibong karanasan ng Cebu City, hinihimok ng MMDA ang mga LGU sa NCR Plus area na magsagawa ng agresibong contact tracing at testing ng mga first generation contact. Idinagdag pa ni Abalos na dapat pagtuunan  ng pansin ng mga LGU ang mga lugar na marami ang lumalabag sa mga protocol.

“Close contacts must be traced and tested within 24 hours,” idiniin nito.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla blood letting

Dugo dumanak sa QC sa kaarawan ni Revilla

DUMANAK ang dugo kahapon, 18 Setyembre 2024, sa Quezon City nang idaos sa Amoranto Sports …

Tenement area tinupok ng apoy 1,950 pamilya nawalan ng tirahan

Tenement area tinupok ng apoy 1,950 pamilya nawalan ng tirahan

NAWALAN ng tirahan ang hindi bababa sa 1,000 pamilya sa sunog na umabot sa ikalimang …

Yaya Wanted MARY ROSE PARENAS aka JOSEPHINE AQUINO DUEÑAS

Nagpabili ng sanitary napkin
NOTORYUS NA ‘KASAMBAHAY’ NAKATAKAS SA POLICE ESCORT

INIIMBESTIGAHAN ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang kanilang kapuwa pulis, …

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

Color Game Casino Plus

P303.5-milyon iniuwi ng manlalarong bebot sa color game sa casino

NAKAPAG-UWI ng tumataginting na P303.5 milyong jackpot ang isang manlalaro matapos makuha ang jackpot prize …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *