Notoryus na scammer nagpa-gas sa QC pero sumibat, tiklo

Fuel Oil

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaking may patong-patong na kaso at reklamo ng panggogoyo, matapos takasan ang ipinakargang krudo sa isang gasolinahan sa Barangay Fairview, lungsod Quezon, nitong Huwebes ng hapon, 30 Hulyo.

Ayon sa pump attendant, dakong 2:00 ng hapon nang dumating suspek sa gasolinahan at nagpkarga ng P450 halaga ng krudo sa minamanehong puting AUV.

Kita sa kuha ng CCTV ng gasolinahan na tinangkang magbayad ng suspek gamit ang e-wallet ngunit hindi umano mabasa ng kaniyang cellphone ang QR code ng gasolinahan.

Matapos nito, sinabi ng driver na maghahanap siya ng paraan upang makapag-cash out at mabayaran ang ipinakargang krudo.

Iniwan ng suspek ang kaniyang sasakyan saka naghanap ng makukuhaan ng cash.

Dahil may ginagawang iba ang pump attendant, hindi niya namalayan na bumalik ang suspek ngunit umalis din sakay ng dalang AUV.

Agad nagsumbong sa pulisya ang pump attendant kaya agad tinugis ang sasakyan base sa nakuhang plaka nito.

Makalipas ang 15 minuto, nadakip ang suspek na natagpuan tatlong kilometro mula sa gasolinahan.

Ayon kay P/Lt. Col. Albert Jefferson Relente, Station Commander ng Fairview Police, agad nilang tinimbrehan ang District Tactical Operations Center (DTOC) upang ma-flash alarm ang plaka ng sasakyan.

Ayon sa suspek, wala siyang intensiyong takasan ang pump attendant at nakalimutan lamang niyang magbayad dahil nagmamadali siyang i-deliver ang gulay sa isang mall sa lugar.

Samantala, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na matagal nang labas masok sa kulungan ang suspek.

Kabilang sa mga naunang naisampang kaso laban sa suspek ay illegal possession and using of false treasury and bank notes, paglabag sa RA 9165, at resistance and disobedience to a person in authority.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Fairview Police station ang suspek na mahaharap sa reklamong estafa.

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO