Tuesday , January 25 2022
BINI BGYO
BINI BGYO

BINI at BGYO naghahanda na sa 1st sibling concert sa P-POP

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALA pa mang isang taon mula nang ilunsad ang P-pop groups na BINI at BGYO pero marami na agad silang tagumpay na naabot. Kamakailan, nagtala ng isang milyong views ang music video ng debut single ng BINI, ang Born to Win na itinampok din sa MTV Asia noong nakaraang buwan, samantalang nag-number one naman sa Next Big Sound chart ng Billboard ang BGYO kasabay ng paglulunsad ng latest single nilang The Baddest, na umani rin ng isang milyong views sa YouTube.

Magkasamang tinahak ng BINI at BGYO ang daan patungo sa mga pangarap nila–mula sa dalawang taong pagiging trainees hanggang sa maging P-pop idol groups. At ngayon, handa na silang gumawa ng marka sa industriya sa paparating na first joint concert  at kanya-kanyang debut albums ngayong taon.

Gagawa ng kasaysayan ang BINI at BGYO sa unang sibling concert nilang pinamagatang One Dream: The BINI x BGYO Concert na mapapanood sa buong mundo sa Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Bukod sa ito ang kauna-unahang sibling concert sa kasaysayan ng P-pop, ito rin ang unang two-day concert sa Pilipinas na may magkaibang setlist sa magkaibang araw. Sulit na sulit ang mabibiling ticket para sa parehong show dahil siksik ito sa world-class performances mula sa dalawang grupo.

Sa Nobyembre 6, mapapanood ang performances ng kanya-kanyang grupo, ang collaboration nila sa sari-saring fan-favorite songs, at surprise guest artists. Sa Nobyembre 7 naman, abangan ang pagsasanib-puwersa ng BINI at BGYO sa iba’t ibang exciting numbers, sub-unit performances, matitinding kantahan, at fan meet sa KTX.PH.

Magiging available simula Agosto 31 ang tickets sa One Dream: The BINI x BGYO Concert. Pwedeng bilhin ang SVIP tickets na nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. Magiging available rin ang VIP tickets sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.

Mayroon namang special early bird promotion para sa VIP tickets mula Agosto 31 hanggang Setyembre 2. Ang bibili ng maaga ay makakapanood din ng dalawang shows sa espesyal na presyong P999 o US$19.99 lang.  

Bago ang joint concert sa Nobyembre, ilalabas na rin ng BINI at BGYO ang full-length debut albums nila na maglalaman ng mga orihinal na awitin. Nagpakitang-gilas din ang ilan sa mga miyembro na gumawa ng sarili nilang mga kanta para sa albums nila.

Pagkatapos ng Born to Win, maaasahan ng fans ang ikalawang single ng BINI ngayong Setyembre bago ang release ng buong debut album nila sa Oktubre.

Patuloy namang ipo-promote ng BGYO ang The Baddest bago ang paglulunsad ng album nila sa Oktubre. Ngayon pa lang, mainit na ang pagtangkilik ng madla sa The Baddest dahil ang music video nito ay nag-trend worldwide sa YouTube at nag-number one rin ang track sa iTunes Philippines.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sean de Guzman

Sean hiniwalayan ng GF; Paggawa ng sexy films ‘di tanggap

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ng bida sa pelikulang Hugas na si Sean de Guzman na ang kanyang …

Claudine Barretto Mark Anthony Fernandez Deception

Mark Anthony at Claudine walang ilangan sa Deception

MATABILni John Fontanilla AFTER 27 years, muling nagtambal sa pelikula ang ex-couple na sina Mark Anthony …

Imelda Papin Maffi Papin

Pamimigay ng bahay ni Imelda tuloy

HARD TALKni Pilar Mateo SA sashing and crowning ng mag-inang Maffi at Imelda Papin kamakailan bilang mga Ambassadors ng …

Willie Revillame Tutok To Win

Willie may P50k na pa-birthday sa masuwerteng viewers

I-FLEXni Jun Nardo NGANGA muna ang dancers ni Willie Revillame sa Tutok To Win. Tanging ang choreographer na si Ana …

Blind Item Man Sausage

Aktor na ga-kalingkingan may kakaibang gimmick, bading pa

HATAWANni Ed de Leon KAKAIBA ang gimmick ng isang pa-star na baguhang male star. Nagsa-sideline siya …

Leave a Reply