Monday , November 29 2021
PBB Kumunity Season 10, Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo
PBB Kumunity Season 10, Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo

PBB 10 tuloy kahit may pandemya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IISA ang saloobin nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales , at Robi Domingo sa pagbabalik ng Pinoy Big Brothers. Lahat sila ay nagpapasalamat at masaya dahil kahit may pandemic,  magbabalik ang PBB sa pamamagitan ng Pinoy Big Brothers Kumunity Season 10.

“Doing ‘PBB’ is like a part of our lives already, nina Bianca and Robi. This is our second home. And it’s always a big blessing when we are given an opportunity to do another season para sa ating mga Kapamilya,” ani Toni na naging bahagi na ng PBB mula nang una itong inilunsad noong 2005.

Sinabi naman ni Bianca na nanggaling sa PBB Celebrity Edition 1, na bukod sa pasasalamat nila na magkakasama-sama muli ang PBB family sa kabila ng pandemya, masaya rin siya para sa fans ng programa.

“Kita mo ‘yung saya niyong tao…‘yung fans na sobrang excited na sumaya, ma-inspire. Kasi in the middle of everything na pinagdaraanan natin grabe ‘yung joy, ‘yung inspiration, ‘yung hope na naibigay niyong last season sa napakaraming manonood.”

Kaya naman sisimulan na ang paghahanap sa mga bagong housemate na bubuo sa PBB Kumunity Season 10 na muling papatunayan at ipakikita sa buong mundo ang likas na galing, katatagan, diskarte, at kabutihan ng Filipino.

At pagkatapos  ianunsyo ni Kuya ang nalalapit na pagbubukas ng kanyang bahay noong nakaraang linggo, opisyal nang bubuksan ang auditions para sa Adult Edition sa Setyembre 1 sa pamamagitan ng Pinoy community platform na Kumu.

Bukod sa Adult Edition, magkakaroon din ng Celebrity at Teen Editions ang ikasampung regular season ng PBB

“We wanted to give viewers something new. Matagal na rin kasi na wala tayong celebrity housemates na group. The last one was Lucky Season 7 pa. Ngayon sila ‘yung magsisimula ng season then followed by adults and teens then sa dulo may mangyayaring twist na dapat abangan,” sambit ng creative head ng PBB na si Marcus Vinuya sa isinagawang virtual media conference noong Lunes (Agosto 30).

Sinabi naman ni Robi na Season 9 Big Night pa lang ay inihihirit na nila na magkaroon ng Season 10.

“Just like the theme, ‘yung pangarap pwedeng magkakatoo. Saktong-sakto few months after the ‘Big Night’ eto na we’re gonna have the auditions for the tenth season of PBB.”  

Ibinahagi naman ni Direk Lauren DyogiABS-CBN Entertainment Production head at Star Magic head ang saya niya tuwing nakikitang magkakasama sina Toni, Bianca, at Robi gayundin ang iba pang ex-housemate na nananatiling parte ng programa sa kani-kanilang paraan.

“Every time I see ex-housemates also getting their lives better, it gives us the motivation and the drive to continue with ‘PBB.’ Kasi ito talaga ‘yung patuloy na kahit paano nagbabago ng buhay. That experience alone, of auditioning and being a housemate, talagang may maidudulot itong mabuti sa inyo. On behalf of ABS-CBN management, we would like to thank Kumu for partnering again with us for this new season,” sambit ni Dyogi.

Para mag-audition sa PBB Kumunity Season 10, mag-download ng Kumu app, gumawa ng account, at mag-upload ng isang minutong Kumu clip na ipakikilala ng aspiring housemate ang kanyang sarili, sasabihin kung bakit siya ang karapat-dapat na maging housemate, at gagamitin ang hashtag na #PBBKumuAdults.

Hanggang Setyembre 30 ang auditions para sa Adult Edition na ang edad ay 20 hanggang 40 habang mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 31 naman ang auditions para sa Teen Edition para sa mga may edad na 15 hanggang 19, na gagamit naman ng hashtag na #PBBKumuTeens.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda VAX GANDA USA TOUR

Vice click pa rinsa US, Vax Ganda USA TOUR may part 2

HARD TALK!ni Pilar Mateo UNKABOGGABLE pa ring maituturingangisang Vice Ganda! At ibang klase rin siyang …

Baron Geisler Doll House

Baron biggest break ang pagganap na rock star na adik

HARD TALK!ni Pilar Mateo KUNG ilang lata rin ng canned tuna ang nakita ng actor …

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Jessica Soho John Lloyd Cruz

John Lloyd sa El Nido nakahanap ng kanlungan

RATED Rni Rommel Gonzales SA one-on-one interview ni Jessica Soho, inihayag ng balik-Kapusongsi John Lloyd …

Leave a Reply