Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards
Alden Richards

Alden tututok muna sa pag-aaral

Rated R
ni Rommel Gonzales

HULING linggo na (munang) mapapanood ang The World Between Us. Yes, pagkatapos ng pag-ere nila sa Biyernes, August 27, ay may season break (muna) ang GMA primetime series nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

At habang wala muna siyang taping, balak ni Alden na ituloy ang pagwu-workout  at pag-aaral online.

“For the show muna, workout, self-improvement. Gusto ko ‘yun muna ang focus ko ngayon. Kasi may mga naka-line-up na projects na gagawin ko after ‘The World Between Us,’ but I want to give my full capacity here. Rito ko muna ibubuhos lahat.”

Nagkuwento rin si Alden tungkol sa kanyang online studies.

“I need to study. Financial Literacy, Business, also acting.

“Everything is available online. It’s free education, that’s why doon ko iu-utilize ang time ko.”

Alam ng marami na isa ring online gamer si Alden, pero babawasan niya ‘yun ngayon dahil nga sa kanyang pag-aaral.

“Kaysa naglalaro lang ako, of course, I will allot time for gaming, pero hindi na gaanong mahaba.

“Mornings are for study. I study, study and siyempre, tumatanda na rin ako. I’m gonna be 30 on January, which is a few months from now.

“Gusto ko rin na well-equipped ako so I can protect myself and protect my loved ones in the event na may dumating na pandemic version 2.0 or other similar events na ganoon.

“So ready ako, hindi ako ‘yung tao na parang at saka lang magre-react kapag nandoon na sa situation.”

Sa pagbabalik ng The World Between Us sa November 15, maraming aabangan ang televiewers tulad ng matinding pagbabago sa character ni Alden sa show bilang si Louie.

Physically, marami ang humanga at pumuri sa pagpapapayat ni Alden.

“Opo, sobra po! Makukulong kasi ako,” rebelasyon ni Alden ukol sa mangyayari kay Louie sa serye.

“I will be blamed for something that I have not done, a crime that I didn’t do. And with that, ‘yun ang pinaka… kumbaga, dead-end ni Louie. ‘Ah, hindi na tama ‘to…’

“So after that, ‘yun po ang aabangan nila this season break.

“I’m just giving out this tiny bit of information para… bakit ako makukulong? Sino magpapakulong? Ano ang kasalanan ko na hindi ko naman ginawa?

“At least, parang ‘yun po ang magbibigay ng reason kay Louie to fight for himself. Para hindi na siya apak-apakan ng kahit sino pa. And exciting pa ‘yung pagkakasulat niyon, kaya rito po ako looking forward,” kuwento pa ni Alden.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …