Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid
Lito Lapid

Sen. Lapid positibo Sa CoVid-18

NAGPOSITIBO sa CoVid-19 si Senador Manuel “Lito” Lapid.

Kinompirma ito ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Jericho  Acedera kasunod ng pag-amin na sumasailalaim sa isang treatment ang senador.

Ayon kay Acedera, naka-confine ngayon si Lapid sa Medical City sa Clark, Pampanga para masuri at mabigyan ng atensiyong medikal ang kanyang kalagayan.

Sinabi ni Acedera, batay sa pahayag ng mga doktor, nakararanas ng mild to moderate CoVid-19 symptoms ang senador.

Sa kasalukuyan, inaalam na rin kung saan nakuha o nahawa ang senador ng CoVid-19.

Nagsasagawa ng contract tracing sa mga taong nakasalamuha ng senador ganoon din ang mga nakasalamuha ng kanyang mga nakasalamuha.

Tiniyak ni Acedera, sila ay palagiang magbibigay ng pahayag sa lagay ng senador.

Umaasa si Acedera na malalamapasan ng kanyang boss ang karamdaman at agaran siyang gagaling.

Sa ngayon ay kailangan ng senador ay dasal para sa kanyang mabilis na paggaling sa CoVid-19. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …