Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis, LJ Reyes, Paolo Contis, Yen Santos
Lolit Solis, LJ Reyes, Paolo Contis, Yen Santos

Manay Lolit kinompirma na hiwalay na sina Paolo at LJ

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KINOMPIRMA ng talent manager na si Lolit Solis na hiwalay na ang kanyang alagang aktor na si Paolo Contis at LJ Reyes.

Ang kompirmasyon ay ibinahagi ni Manay Lolit sa kanyang Instagram account noong Linggo. Anito, walang third party sa hiwalayan ng dalawa.

Iginiit din ng manager ni Paolo na walang kinalaman si Yen Santos sa  paghihiwalay ng kanyang alaga at ni LJ. Kaya ‘wag na itong idamay pa. Nagkasama sa pelikula sina Paolo at Yen, ang A Faraway Land nanapapanood ngayon sa Netflix.

Ani Manay Lolit, ”Naku ha, smokescreen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yen Santos noh! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas. Mas shocking pa ang mangyari.

“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends. Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh!

“Huwag ng guluhin ang issue. Huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah. Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ. Huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya. Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah ? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na. Babuuuu ! #classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun.”

Bago ito, napansin ng netizens na binura ni Paolo ang mga picture ni LJ sa kanyang IG account kasabay ang balitang hiwalay na ang dalawa.

Hanggang ngayo’y walang nagsasalita kina Paolo at LJ ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …